2. The Crush

297 22 19
                                    

Halos dalawang taon na rin simula nang unang beses makita ni Ray si Anxo at noon pa lang ay naging crush na ito ng dalaga. Intern sila noon ni Yurena sa Kismet Bookshop at supervisor naman ito sa bookshop na 'yon. Singkit ang mga mata ni Anxo at napanatili nito hanggang ngayon ang mushroom cut ng wavy nitong buhok. Magkasing edad lamang sila. At base sa mga post nito sa social media, he was homeschooled but he recently switched to online school for his MBA degree during that time. Very sporty rin ito at pagtakbo ang isa sa mga hilig.

"Bes, kinikilig ako, kinausap ako ni sir Anxo," ulit ni Ray kay Yurena. Naglalakad din ito papunta sa CR ng mall.

"Ang guwapo niya 'no? Anong sabi niya?"

"Sabi ko, hi sir. Sabi niya, hello," bida pa ni Ray. Nasa loob na sila ng CR at nakaharap sa mahabang salamin.

"Tapos?" Itinigil nito ang paglalagay ng lipstick. Nakatitig siya sa repleksyon ni Ray sa salamin ng CR.

"Ngumiti ako s'yempre."

"Then?" Bakas ang pagkadismaya sa mukha nito.

"Ngumiti din siya."

"Ano nang pinag-usapan n'yo?"

"'Yun na. I think nagmamadali rin siya e."

"Rayshela! 'Yun lang? Akala ko naman kung ano nang pinag-usapan n'yo."

Isang linggo lang nilang nakasama si Anxo sa bookshop dahil lumipat na ito sa main office ng FATE Co. FATE Co. rin ang may ari ng KB kaya siguro naging madali ang paglipat nito. Pero marami ang nalungkot nang umalis ito. Isa na roon si Ray. Kaya nang minsan niya itong makitang tumatakbo sa park, patago niya itong sinundan. Nang makitang iniikot lang nito ang park, umupo na lang siya sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno ng Caballero na noo'y litaw ang pamumulaklak. Ilang libro na rin nina JB Tomlinson, Mara Moral, at Alma Young ang natapos niya sa ilalim ng punong 'yon. Minsa'y pumapatak pa sa libro niya ang ilang piraso ng pulang bulaklak ng Caballero o ang berdeng dahon nito. Simula noon, kahit hindi pa pamumulaklak ng Caballero, napili niyang bisitahin ang spot na iyon kahit isang beses lang sa isang linggo. At dahil nasusubaybayan naman niya ang binata sa social media nito, lagi rin niya itong natitiyempuhan sa park.

Pero kahit gaano siya kagaling mag-stalk sa social media alam niyang ang dami pa rin niyang hindi alam tungkol rito. Hindi niya ito nakikitang lumabas na may kasamang ibang tao. Ganoon din sa mga post nito sa social media, madalas mukha lang ng binata ang nakikita niya. Minsan, iniisip niya na wala siguro itong kaibigan. Willing naman siyang maging kaibigan nito. Ngunit kahit ilang beses niyang i-heart ang social media stories nito, hindi naman siya napapansin ng binata. Hanggang sa noong nakaraang pasko, gumawa siya ng mahabang Christmas greeting para rito. Kahit mahaba ang nasulat na greetings, sinugardo pa rin niyang magmumukhang generic ang mensahe at iisipin ng makababasa na sent-to-all ang mensahe na 'yon. Pero pinusuan lang din iyon ni Anxo nang ma-send niya rito. Hindi sumuko si Ray. Kaya naman after a week, gumawa siya ng isa na namang mahabang New Year greetings para dito. This time, personalised na ang greetings at naka-attention pa iyon sa binata. Noon niya napag-reply si Anxo.

Nang magkita sila ni Yurena nang sumunod na araw kinuwento nito sa kaibigan ang convo. "Bes, hindi ka talaga maniniwala. Nagka-chat kami ni sir Anxo." Kagagaling lang ng dalawa sa counter ng Kismet Cafe para umorder ng kape.

"O anong sabi?" Pinatong niya ang malaking saucer-like chip sa mesa na siyang nagsisilbing number ng order nila. Kapag nag-vibrate at blink iyon, ibig sabihin available na sa counter ang drinks nila.

"Binati ko siya nung New Year. Tapos sabi niya thank you sa message ko. Happy new year din." Ipinatong din ni Ray ang phone sa tabi ng chip na hindi pa rin naman nagba-vibrate.

"Wow ang galing, nag-reply na siya sa 'yo. Tapos anong sabi mo?" Hawak naman ni Yurena ang phone niya at mukhang may iba itong ka-chat.

"Sabi ko, hello. Thank you rin."

"Tapos?"

"Tapos, pinusuan niya 'yung reply ko."

Tumawa nang malakas si Yurena. "Itigil mo na' 'yan, bes."

"Kaso nag-message pa ulit ako sa kanya."

"Wait anong sabi mo?"

"I asked him kung tanda pa ba niya ako."

"OMG. One week lang' yon, bes. I doubt na matatandaan niya? Pero anong sabi niya?"

"Ayon, seen lang niya e. Halos isang buong araw na akong naghihintay ng sagot niya."

"Jusko bes, tama na. 'Wag nang umasa."

"'Di ba dapat kahit papa'no tanda niya na intern ako dati sa KB? Nagkausap naman kami. Pero tama ka, titigil na ako. Gusto ko lang naman kasing maging friend niya. Para kasing ang lungkot ng buhay niya."

"That's his problem, bes. Hanap ka na lang ng pogi sa Tell Adworks. Tagal mo na ro'n wala ka pang nakukuwento sa 'kin."

Ngumiti lamang si Ray at napatingin sa nagba-vibrate sa lamesa.

Doon din napako ang tingin ni Yurena. "Ayan na, nag-reply na si Anxo."

Kinabahan si Ray. Hindi na niya inaasahang sasagot ito. Agad naman nilang binasa ang reply nito.

Anxo: 

Sorry, late response. But yes, I remember you. Ikaw 'yung madalas kong nakikita sa park kapag tumatakbo ako. Hindi mo siguro ako napapansin. Sana the next time we meet sa park, batiin mo naman ako. See you around.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon