30. The First Love

169 12 15
                                    

[Playing: Anyone - Justin Bieber]

Nang matapos makipagkita kay Nat sa isang café na malapit sa FATE Tower, iniabot ni Nathan sa kapatid ang ilang piraso ng susi na nakasabit sa isang key holder. Noon na rin dumating si Caleb sa café. Hindi na hinayaan ni Nathan na makita pa siya ni Caleb at nagmadaling umalis ng café. 

Pero nang makarating ito sa lobby ng FATE Tower, noon nito nakita si Amber. Khaki ang kulay ng suot nitong trench coat at mataas ang heels ng suot na stilleto. May dala itong isang malaking folder na mukhang may lamang mga papeles. Sinusuklay pa nito ang buhok gamit ang isang kamay habang mabilis na naglalakad. At dahil hindi naman ito ang pakay niya sa building, hinayaan na niyang makalayo ito nang tuluyan. 

Alam niyang kayang-kaya niyang hingin ang tulong ni Caleb pero hindi na niya ginawa. Well, he had his reasons. As the elevator opened after a few minutes of waiting, his face broke into a smile at the sight of Ray. 

Ngunit kabaliktaran iyon ng reaksyon sa mukha ni Ray nang bumungad sa kanya ang lalaki. Takot at pangamba ang nangibabaw sa kanya. Biglang sumagi sa kanya ang mga sinabi ni Mark kanina kaya ayaw siya nitong paalisin sa penthouse. Hindi niya mapigilan ang panginginig ng mga paa. Naalala niya ang star tattoo ni Nathan sa leeg. Gusto niyang isipin na dito nagsimula ang lahat at mukhang ngayon na ito balak tapusin ni Nathan. Iniisip niya na dahil din rito kaya siya napilitang tumira sa penthouse at kung bakit siya tuluyang nahulog kay Mark. Pero higit sa lahat, alam niyang sa isang iglap ay kayang-kaya nitong tapusin ang buhay niya. Kung nagawa nga nitong barilin noon si Anxo sa park na maraming tao, hindi rin iyon imposibleng mangyari sa lobby ng gusaling iyon. 

Ipinasok ni Nathan ang mga kamay sa bulsa ng jacket na suot bago itinuloy ang paglalakad palapit kay Ray. Sasalubungin pa sana niya ito nang bigla namang dumating si Josh. Mabilis at hindi inaasahan ni Nathan ang bigla nitong pagdaan sa pagitan nila ni Ray kaya bahagya siyang napaatras. 

Noon na lang ulit nakahinga nang maluwag si Ray, nang makita niyang muli si Josh. Perfect ang timing nito. Parang destiny. 

Malaki ang ngiti nitong sinalubong si Ray na agad napansin ang maraming dala ng dalaga. At kung ano ang suot nito sa park kanina, gano'n pa rin ang suot nito ngayon. Hindi na nga lang nito kasama ang alagang Chow Chow. Pero kung kanina'y isang butones lang ang hindi nakatipay sa suot nitong polo shirt, ngayo'y dalawang butones ang nakabukas at nakatayo pa rin ang kuwelyo nito. May konting pawis ito sa noo dahilan para mapatitig siya sa maamong mukha ng binata at alalahanin ang istura nito noong nasa academy pa sila. Ang lalaking kinabaliwan niya noong third year niya sa academy. Pero tulad ng reaksyon niya nang unang beses itong makita sa ramen house, hindi pa rin ito makapaniwala sa laki ng pinagbago nito. Pero sadyang maraming p'edeng magbago sa loob ng pitong taon, that she knew for sure.

Walang nagawa si Nathan kundi ang bumalik na muna sa loob ng convenience store at okupahin ang isa sa mga upuan doon. 

"Anong problema? Bakit ang dami n'yan?" nagtatakang tanong ni Josh habang nakatingin sa hinihilang maleta ni Ray. 

"Wait, ikaw, bakit 'andito ka? Akala ko ba busy ka sa resto?" hinihingal namang tanong niya rito habang sinisilip si Nathan sa loob ng convenience store. Gusto rin sana niyang ulitin dito ang tungkol kay Nathan, ang dahilan kung bakit mas binilisan niya ang paglalakad. 

"May errands ako for our supplies, then nag-deliver din ako ng order e. Absent 'yong tao namin sa delivery, kaya ako na lang nag-deliver," may kompiyansang sagot ni Josh. "Teka, bakit ang bilis mong maglakad?" paghabol pa nito kay Ray. 

"Kailangan ko nang umuwi. Alam mo, hindi ko naisip 'yon. Na magpa-deliver na lang ng ramen." Noon na rin napagtanto ni Ray kung bakit pawisan si Josh na marahil ay napagod sa deliveries niya. 

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon