13. The House Date

187 14 38
                                    

Saktong tinatapakan pa ni Cortez ang upos ng sigarilyo sa sahig nang sunduin siya ni Mang George sa baba ng Tower 2. Naka-itim itong sumbrero at may suot ding black na jacket.

Sabay silang pumasok sa loob ng gusali pagkatapos ni Mang George lingain ang paligid. Nang makasakay sa elevator, pinindot ni Mang George ang up button para makarating sa 34th floor. Noon na rin natanggap ni Mark ang hinihintay na mensahe sa phone niya at tamang-tamang kasama niya si Ray sa loob ng kuwarto.

"Date ka d'yan," protesta pa ni Ray nang sabihin sa kanya ni Mark na nasa penthouse na ang bisita. "At talagang sa 'yo pa siya unang nag-text. Ano 'to? Jowa roles."

"Bakit selos ka?" Gusto siguro talaga nitong kuhanin ang atensyon ni Ray kaya ibinalik na naman sa kanya ng dalaga ang tingin. Okay lang sana kaso boxer shorts lang ang suot nito kaya nga lantad sa mga mata ni Ray ang matikas niyang pangangatawan.

Mabuti na lang at tumunog na rin ang phone ni Ray dahil sa pagdating ng isang mensahe. "No," sagot niya kay Mark. "Alam ko namang ako pa rin ang pipiliin nitong lokong 'to over you."

"Sabi mo e," sabi na lang ni Mark nang pasukin na ang loob ng CR. "Go, sunduin mo na. Ako na bahala sa mga naiwan mo dito sa CR," napabigla pang sabi ni Mark bago napatingin sa mga nakabiting undies ni Ray sa loob.

"Ako na d'yan!" Hindi na niya nagawang pigilan ang binata. Nakita na nito ang mga hindi nito dapat makita sa loob ng CR sa kuwarto niya. Daig pa noon ang mga banderitas sa piyestahan.

"Sorry," tipid pa nitong sagot kay Ray. Ramdam din ni Mark ang pag-init ng kanyang mukha. Tahimik itong lumabas ng CR at agad ding lumabas ng kuwarto.

Nasa salas na si Rayco nang makababa si Ray dala ang ilang bra at panty na nasa mesh na laundry bag niya. She smiled at the sight of his brother. Suot ang eye glasses, naka-itim itong T-shirt, at above-the-knee ang khaki na shorts. Kausap na nito si Tara pero hindi niya narinig ang usapan ng dalawa. 

"Ray," tawag ni Tara nang mapansin siya.

Sinimangutan naman siya ng kapatid. Gano'n ito mag-lambing kay Ray. "Loko talaga," bulong pa niya.

"Bilis makalimot ah," asar pa ni Rayco sa kapatid nang magtungo nga si Ray sa dako ng kusina kaysa lapitan muna ang kapatid.

"Dalhin ko lang 'to kay manang," tugon niya. Itinuro pa ang bitbit sa kapatid.

Gusto pa sana niyang hintayin ang tatlong binata na bumaba bago sila umalis kaso mukhang wala nang plano ang mga iyon na magpaalam sa kanila. Nandoon na rin sa labas ng penthouse si Mang George kasama si Cortez kaya nagulat si Ray nang buksan nila ang pinto at makita ang dalawa. "Ay! Nand'yan pala po kayo," tili niya. Nasa bandang likuran ni Mang George si Cortez at halos natatakpan na ng sumbrero ang mukha nito. Mas nagulat siya nang napansing wala pa sa likuran niya si Rayco. Noon na rin pumasok si Cortez sa loob ng penthouse.

Nang silipin ni Ray ang kapatid sa loob, nakita niyang kinausap pa ito ni Mark na ngayo'y may suot nang T-shirt at pulang sweatpants. Hinintay niyang lingonin din siya ni Mark nang magpaalam ito kay Rayco pero diretso na ang naging tingin nito kay Cortez.

Nang makababa sa carpark, agad sumakay si Ray sa backseat ng mahabang sedan na siyang dadalhin ni Mang George sa paghahatid sa kanya. Bumusina muna si Mang George bago pinatakbo ang sasakyan. Nahanap na rin naman ni Rayco ang dalang sasakyan at sumunod na rin sa sinasakyan nina Ray na siyang nauna nang umalis sa carpark.

Tuwang-tuwang si Ray nang muling makapasok sa loob ng bahay nila. 'Yung feeling na parang isang taon siyang hindi nakauwi. Nagulat siya nang salubungin ng ina. "O ano, masarap ba ang aircon do'n sa condo n'yo?" bungad ni Mrs. Ruiz sa anak.

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon