11. The Best Friend

188 16 14
                                    

It was 3 years ago when Aki and Tara graduated from college. Kasabay nga nilang gumraduate ang dalawang kaibigan ni Tara, sina Sasha at Lucy. Naiwan si Caleb sa unibersidad kasama sina Rayco at Nat. Ang mas batang si Anxo naman ay nagsimula na rin sa kanyang online MBA. Dahil sa home-schooled, mas naging mabilis ang pag-aaral nito.

Nakilala na ni Caleb si Nat noong unang taon pa lang nila sa unibersidad. Nang malaman na ang ama nito ay direktor na rin noon sa FATE, mas lumiit ang mundo nila. Samantalang si Nat naman ay kaibigan na ni Rayco simula noong nasa high school pa lamang sila. Sa loob ng apat na taon nila sa unibersidad, parang kapatid na ang naging turingan ng tatlo sa isa't isa. Madalas isama ni Caleb ang dalawa sa penthouse at doon na rin tinapos ang thesis. At kung minsan, sa bahay naman nina Rayco tumatambay ang tatlo.

Kahit naman naka-graduate na si Lucy, constant pa rin ang communication nila ni Caleb. Si Lucy lang kasi ang nakakaalam noon na nagde-date na sila ni Nat. Kahit masakit kay Lucy, tuloy ang payo niya kay Caleb dahil sa mahalaga ito sa kanya at masaya na siya basta masaya ito.

Isang taon ding tinago nina Caleb at Nat ang relasyon kay Rayco. Nang maka-graduate, sabay-sabay ding nagtrabaho ang tatlo sa FATE. Isang beses nang magpunta si Caleb sa studio ng paborito nitong tattoo artist, nagpasama ito kay Rayco para sa bago sanang tattoo sa braso nito.

"Ano ba 'yang bagong design na ipapatatak mo, bro?" usisa ni Rayco nang makapasok sa maliit na studio ng sinasabing artist. Medyo madilim sa loob ng kuwarto. Hindi naman iyon ang unang beses na sinamahan niya ang kaibigan kaya sanay na rin siya sa ambience ng lugar.

"Simple lang ngayon. Mas mabilis na 'tong matatapos, promise. Lettering lang e," sagot ni Caleb. Medyo kinakabahan na ito.

"Quotes? Pangalan? Ano?"

"Pangalan, bro."

"Nino?"

"Ni Nat."

"Ha? Our Nat? Like Natasha? Her name? Tapos, name ko rin. Eeew. Why?"

Napatawa si Caleb. "Kaya nga kay Nat na lang. And yes, we've been secretly dating for one year now," pag-amin niya. Mahihimigan pa rin ang kaba sa tono nito.

Hindi naman naitago ni Rayco ang pagkagulat. Tinitigan lang niya ang kaibigan as if he's asking why he didn't noticed it.

"Sorry bro. Hindi ko napigilan."

"I'm just surprised Nat didn't tell me."

"Sorry, ako ang nagsabi sa kanya na h'wag na munang sabihin sa 'yo," sabi pa ni Caleb.

"Wala namang kaso sa 'kin, nagulat lang ako. Teka, hindi naman ito prank 'no?"

"Totoo 'to, we're not making it official unless may blessing mo."

"Ano ka ba, I know you so well, alam kong hindi mo sasaktan si Nat."

"Yes naman, promise ko 'yon."

Hindi lang maamin ni Rayco pero nasaktan siya dahil sa nalaman. Akala niya kilalang-kilala na niya si Nat. Pero dahil mahalaga sa kanya ang dalawang kaibigan, ayos na sa kanyang masaya ang mga ito.

Naging official ang relasyon ng dalawa nang masabi na ito kay Rayco. Kaya naman pagkaraang ng ilang buwan, nagulat na lang ang mga tao nang biglang mag-resign si Nat. Bago pa lang ito sa FATE. Hindi na nakapag-paalam si Rayco sa kaibigan. The day before nakita niya itong umiiyak sa station nito pero ayaw namang sabihin ang dahilan. Tinanong niya si Caleb kung bakit bigla na lang nawala si Nat. Girlfriend niya ito kaya dapat may ginawa siya to stop her from leaving. Pero kahit anong pilit hindi rin nito masabi kung nasaan na ito. Hindi rin naman niya makontak ang kaibigan. That's when Rayco started to stop talking to Caleb. Naging busy na rin naman si Caleb sa opisina dahil sa dami nang nangyari sa loob at labas ng FATE. And'yan nang magka-issue about sa anak sa labas ng Chairman na napigilan naman nila ang pagkalat. And'yan ang pagkasangkot ni Aki sa isang car accident kaya napilitan si Anxo na umalis sa KB at magsimula nang magtrabaho sa FATE. And'yan ang pag-alis ng ibang investors at ang marami pang issue na kinaharap ng FATE.

It was a year later nang tahimik na pumasok si Mark sa FATE after being involved in another car accident. Mabuti na lamang at nakatuon ang atensyon ng publiko sa na-televised na interview ni Aki sa The Rosy Show (TRS) lalo na nang sinundan siya ng TRS Team sa Kismet Bookshop para makipag-ayos kay Mek. Nag-trending ang mala-Cinderella na love story ng dalawa.

Nasundan iyon ng paglipat ni Mark sa penthouse nang maging si Caleb ang bagong Master of The Household. Isang taon din siyang naging master sa penthouse bago nagkaroon ng panibagong beer ritual. Ayon kay Aki, ang beer ritual ay ginagawa lamang kapag may bagong titira sa penthouse, maging pansamantala lamang ito o pangmatagalan. Kasama iyon sa House Rules na hindi na binago ni Caleb. Kaya kung approved ng master, maaari silang mag-invite ng mga kaibigan sa bahay pero hindi ang mga ito magiging qualified na master kung hindi sila nakaplanong tumira roon. Hindi naman ito ang first time na may titira sa penthouse na walang dugong Rushton. Also, Caleb approved it and he didn't have to consult the Chairman.

Ang totoo, excited din talaga si Caleb na makitang muli si Rayshel. Pero nang makita na ito nang tuluyan sa pool area ng penthouse, naalala na naman niya si Rayco. *May mga bagay na hindi niya kayang sabihin kay Rayco. Halos dalawang taon na rin ang nakalilipas simula nang huling beses silang nag-usap. Halos dalawang taon na rin niyang hindi nakikita si Nat. 

Nang ihatid ni Anxo si Tara sa kuwarto, naiwan sa kanila ni Mark ang lasing na lasing na si Ray. Nalaman niya rin ang mga himutok nito kay Mark. He knew he was involved in it kaya napapahiya rin siya kay Mark. "I think, she's too drank," sabi ni Caleb. "Dalhin ko na siya sa room," presenta pa niya.

"No, ako na ang maghatid sa kanya."

"Are you sure? That would mean you're once again losing to me. Okay lang sa 'yo? Once you leave me here, you're out," biro pa ni Caleb. 

"I don't care. She's my responsibility, too. She was here because I asked her." Alam niya sa sariling hindi pa siya lasing.

"Bro, she was here because of Anxo," paalala ni Caleb.

Natahimik si Mark. Alam niyang hindi pa rin lasing si Caleb.  He remembered his place. "Then go take her to her room. I won."

Binuhat ni Caleb si Ray at saka ibinalik ang tingin kay Mark. "No, I won," sabi nito nang muling titigan ang mukha ng buhat-buhat na dalaga.

Nang maiwang mag-isa si Mark sa pool area, sunod-sunod niyang ininom ang natitirang mga bote ng alak sa harapan niya. Naalala niya nang magkita sila ni Anxo sa may hagdanan kanina bago ito bumalik sa kuwarto ni Ray. "Kumusta si Ray?" tanong pa niya sa kapatid. Natanong na sana niya nang diretso si Ray kanina kung hinintay lang niya itong buksan ang pinto ng kuwarto niya. 

"She's fine, was about to call her, sabi ni Tara bumaba na raw kami," sagot ni Anxo.

Pansin ni Mark ang malaking ngiti nito. "You like her, don't you? Binanggit ko lang name niya, ganyan na smile mo," biro pa nito sa kapatid.

"Ah well, wala naman sigurong masama 'no, kung magustuhan ko siya, 'di ba?" May pag-aalinlangan sa tono ni Anxo pero tumawa ito nang mahuli ang pagkagulat sa mukha ni Mark.

"Ah-yes, 'di ba nga, you are the author of your own story. Follow your heart," sabi na lang ni Mark. Parang nagsisisi siya na biniro pa ito.

"Yes. yes. Thanks a lot for helping... especially for encouraging Ray and for bringing her here. Ngayon pa lang ramdam ko na ang positivity na dala niya rito sa bahay," sabi naman nito bago itinuloy ang paglalakad patungong guest room.

(Author's Note: Hey, it's a new chapter sorry we keep coming back to that day when they had the beer ritual. As you know, I'm not very fond of the linear narrative at talagang mahilig ako sa flashbacks that came out of nowhere. Sana hindi kayo malito. But I hope you like this update. If you like, comment and click the like/star button. ขอบคุณ.)

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon