Halos maubos ang boses ni Ray sa kasisigaw para kay Anxo. Ngayon niya lang ito nakitang maglaro ng volleyball. At kahit pawisan na at magulo ang buhok, tuwang-tuwa pa rin siyang pagmasdan ang binata. Panay lang ang bilin dito ni Mark na h'wag puwersahin ang sarili. Buti na nga lang at mababaw ang naging tama nito noong mabaril kaya madali ring gumaling ang naging sugat.
Nasa iisang team naman sina Tara at Anxo na parehong naging maganda ang laro. Nang matapos ang match nila, sa penthouse na rin dumiretso ang mga ito. Nagpahinga muna ang dalawa sa salas bago nag-shower at nang matapos magbihis, agad dumiretso sa dining area. Nandoon si Caleb, may suot na apron, at mukhang tapos na ito sa pagluluto na tinulungan naman ni Mark at Ray. Ang lakas pa ng tawanan nilang tatlo.
"Ang sarap naman sa feeling na kumpleto tayong lima rito ngayon," nakaumis na usal ni Tara habang nakatitig sa kapatid. Katabi nito si Anxo habang nasa kabilang side ng mesa sina Mark at Ray.
"Ano bang sinasabi mo, ate? It's not like I'm not coming back," sagot ni Caleb nang ipatong ang bowl ng soup sa mesa. Nakatayo ito malapit kay Mark at hindi pa umuupo sa upuan malapit sa kanya.
Noon na rin napatingin si Ray kay Caleb. "Aalis ka nga? Why? Saan? Till when?" Inosenteng-inosente pa ang bukas ng mukha nito. Totoong hindi niya alam ang planong pag-alis ni Caleb. Kanina, nagtatawanan lang sila tapos may ganito pa lang plano si Caleb na hindi niya nalalaman. She felt betrayed.
Napangisi si Caleb. "Bakit pipigilan mo ba ako?" biro pa niya habang inaayos ang anim na plato sa mesa. Pero bago pa makasagot si Ray, saka nito nilingon si Mark at dito binato ang tanong. "Hindi mo pala nasabi kay Ray?"
"Hindi ba?" nagtatakang sagot ni Mark nang ibaling ang tingin sa dalaga.
"Baka hindi ko lang narinig," tugon ni Ray. Naisip niya na itong dinner na 'to marahil ang dahilan kung bakit kinansela ni Mark ang sana'y lakad nila ngayon bukod sa laro nina Anxo at Tara kanina. Hindi naman kasi nito nabanggit sa chat sa kanya kagabi ang rason kung bakit.
Habang kumakain, muling napag-usapan ang pagbisita nina Aki at Mica noong nakaraang gabi at kung anong oras na nakauwi ang mga ito hanggang sa muling tumunog ang doorbell ng pinto. "Ako na," sabi ni Caleb na agad umalis para buksan ang pintuan. Dahil sa mukhang excited ito, alam nilang hindi iyon si Nat. Napatingin tuloy ang apat sa ikaanim na plato sa mesa. Lamang ang pagtatakang rumehistro sa mukha ni Ray. Kaya laking gulat nito nang makita ang kapatid sa may likuran ni Caleb habang naglalakad papalapit sa kanila. Suot nito ang glasses at naka-brush up ang buhok. Suot ang glasses pero naka-sando lang ito at above-the-knee ang khaki na shorts. Tumingin muna ulit ito kay Caleb bago tuluyang lumapit sa itinuturo nitong upuan.
Naalala tuloy ni Caleb ang usapan nila ni Rayco kagabi bago umuwi sa penthouse.
"Since the day we first met? What do you mean?" tanong nito kay Rayco habang sinusuong ang malakas na ulan.
"Ha? Hindi ko marinig," angal ni Rayco. Totoong maingay ang ulan.
"Wala," sagot ni Caleb bago huminga nang malalim. Saktong nakasilong na sila sa harapan ng bahay nina Rayco. "Salamat at sorry na rin."
"Ha?" sagot ni Rayco habang tinitiklop ang payong. Kunwari hindi niya narinig ang sinabi ni Caleb.
"Wala."
"Sorry, ang immature ko," usal ni Rayco na may umis sa mukha.
"Wala 'yon. Na-miss ko lang ang bonding nating tatlo."
"Yeah. Me, too."
"Now that she's back... anong plano?"
"Ewan, bahala na. Hindi na naman tayo mga bata, like before."
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛