"Are you okay?" may pagtatakang tanong dito ni Mark dahil kanina pa itong nakatulala sa kanya. Wala itong kaalam-alam sa naging imagination ng dalaga.
Dahil sa kakabasa nito sa librong TPL ni Mark, nai-imagine na niyang si Hiro ito at siya naman si Rocket—ang mga karakter sa nasabing libro. Tandang-tanda niya ang eksenang iyon dahil noon unang beses nag-kiss ang dalawa. Sobrang kinilig siya sa part na 'yon kaya hindi niya iyon malilimutan. "Ah, eh, anong sabi mo? Heheh," natatawa na lang niyang sagot habang pilit iniiwasan ang mga mata ng binata.
"I said I'm sorry."
"Ahhh, gano'n ba, okay. Sige. May kukunin lang ako sa kusina," nagmamadali niyang sagot kay Mark para takasan ito. Idagdag pa na nilalamig siya sa basang one-piece.
Pagdating niya sa harap ng ref, noon niya tuluyang naramdaman ang bilis ng kabog sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Para bang may nagawa siyang kasalanan na hindi niya matukoy kung ano. Nagulat na lang siya nang sundan siya ni Mark sa kusina.
"I'll help you," presenta pa nito.
"Okay lang, ako na," sabi ni Ray nang tuluyang buksan ang ref.
"You sure?"
"Yeah," sagot nito nang kunin ang hotdog sa freezer. "'Saka kainin mo na kaya 'yang pichi-pichi sa table," paalala nito sa binata. Hindi niya kayang humarap dito at baka hindi na niya mapigilan ang sarili at gayahin ang ginawa ni Rocket kay Hiro.
"Tara, kainin na na 'tin?" yaya pa nito.
"Magluluto pa ako ng hotdog e. Samahan mo kaya muna si Anxo sa labas?"
"Ah, you want to be alone. You don't want to be bothered," singhal ng binata. Seryoso ang mukha nito at lalo itong gumwapo sa pangingin niya.
"Hindi," tanggi pa ni Ray nang muling iiwas ang tingin dito.
"I see but I feel like you're avoiding me," sagot ni Mark nang talikuran na rin ito at bumalik sa salas.
Kahit bothered sa pag-alis ni Mark, itinuloy na lang muna ni Ray ang pagluluto sa hotdog.
Nang matapos iprito ang ilang hotdog, agad niya iyong inilagay sa plato para malagay sa tray. Naglagay rin siya ng marinara ketchup sa isang maliit na bowl na sunod niyang isinama sa laman ng tray. Noon na rin niya kinuha sa ref ang bacon-and-romaine skewers na may blue cheese dressing. Nang mailagay na ang lahat sa tray, binuhat na niya ito para madala sa pool area. Habang naglalakad, nagtaka siya nang hindi na makita si Mark sa may salas. Wala rin ito sa pool area nang madala niya roon ang tray.
Tuwang-tuwang naman si Anxo sa dalang pagkain ni Ray. Nakaupo na ito sa lounge chair at nakasampay sa katawan ang towel.
"Asan ang kuya mo?" tanong niya rito.
Ang sabi ni Anxo, hindi naman daw pumunta roon si Mark.
Kaya ang sabi na lang ni Ray dito, hahanapin na lang daw muna niya sa Mark.
"Aalis ka ulit? Kararating mo lang," hirit ni Anxo. Mukha itong batang inagawan ng kendi. Matitiis ba siya ni Ray?
"Ah, matagal ba 'ko?"
"Hindi naman. Ang lungkot lang mag-isa rito sa pool."
"Sorry na, sige na, kumain ka na. Hindi ako aalis. Dito lang ako."
"Sure?" Parang bata talaga ito dahil sa laki ng ngiti.
"Oo nga! See, tinatawag na rin ako ng pool," natatawa pa ring sagot nito.
Nang gabing iyon na lang ulit naalala ni Ray na kay Anxo nga pala niya naihabilin ang pirmadong kopya niya ng libro ni Mark. Kaya naman pinuntahan pa niya ito sa kuwarto para lang ulitin ang libro.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛