Mabilis ang takbo nina Mark at Caleb sa hallway ng ospital. Hinahabol nito ang emergency bed na siyang itinutulak ng mga nurse at kung saan nakahiga ang pasyente. Wala pa itong malay at patungo sila sa Emergency Room.
"Ano nang mangyayari sa kanya?" aboridong tanong ni Anxo.
"I don't know," tugon ni Ray. Kasama na nila si Tara. Nakababa na rin sila mula sa sasakyang minaneho ni Mang George at kasunod na rin nila ito sa paglalakad. Naalala tuloy ni Ray nang iahon ni Caleb si Amber mula sa pool, at pagkatapos ay nang i-CPR ito ni Mark. Napalunok pa siya nang makitang maglapat ang mga labi ng dalawa. Naalala rin niya nang makita ang mukha ng kahina-hinalang lalaki bago ito umiwas ng tingin sa kanya at bago nga sila bumalik sa penthouse.
"A lot of people can survive near drowning. Na-CPR naman siya ni Mark kanina. I think she'll be fine," sabi naman ni Tara.
"Buti na nga lang nakita mo siya," sabi pa ni Anxo.
"Nag-brown out kaya. Nakalimutan ko na nga na iniwan n'yo ako sa penthouse," reklamo pa ni Tara. "Imagine my reaction after seeing her in that pool, hindi ko pa ma-contact si Anxo. Iwan pa ni Caleb ang phone niya rito sa pool area."
"Sorry na po," usal ni Ray. "Pero bakit siya mahuhulog sa pool?"
"Clear ko lang. I didn't push her. Pagbaba ko andun na siya sa pool," biro pa ni Tara.
Halos hatinggabi na nang makauwi sila sa penthouse. Hinintay lang nilang makarating ang mga magulang ni Amber sa ospital. Nakausap na rin ni Mark ang doctor kaya alam na rin niya ang dahilan kung bakit bumagsak sa pool si Amber.
Hirap din si Ray makatulog nang makahiga sa kanyang kama. Sa mga ganitong moment niya mas nami-miss si Renzy. Kung gising pa nga lang sana iyon, malamang ay natawagan na niya. Hindi rin siya mapakali dahil sa lalaking nakita sa may convenience store kanina. Feeling niya nakita na niya ito noon pa. Bagay na hindi na niya inulit kina Mark dahil sa bigla na rin nitong sinagot ang urgent na tawag ni Tara sa phone niya kanina nang nasa convenience store sila.
Halos isang oras din siyang nag-iisip bago pumasok sa isipan niya ang imahe ni Cortez. Hawig nga ito sa lalaking nakita kanina at sa lalaking nakita niya sa park bago nabaril si Anxo. Same rin ang built nila. Kaya siguro feeling niya, nakita na niya ito noon pa. Hindi nga lang niya suot ang salamin o ang contact lenses niya kanina. Pero deep inside, alam niyang imposibleng maging si Cortez iyon. O siguro, 'yon ang gusto niyang paniwalaan. Pero naisip din niya na matagal na nang huling beses niya itong nakita. Varsity ito nung college at engineering ang kurso.
Tanghali na nang magising si Ray kinabukasan at first time niyang hindi pumasok. At dahil nga hindi na siya pupunta sa office, bandang alas diyes na ng umaga nang lumabas siya ng kuwarto. Tahimik sa hallway kaya sa tingin niya, pumasok sa trabaho ang mga kasama sa bahay. Alam niyang pumasok si Anxo dahil sa tinawagan niya kanina si Mang George nang maalimpungatan siya bago itinuloy ang tulog. Bilin na bilin ni Mang George na huwag na huwag siyang lalabas ng penthouse lalo't nakabantay ito kay Anxo sa opisina.
Nang makababa si Ray sa common area, nagulat siya nang may marinig na kaluskos na tila ba'y nanggagaling sa bandang kusina ng penthouse. Alam naman niya kung gaano siya ka-secure sa loob ng penthouse kaya hindi sa para siya ay matakot dahil lang sa mahinang kaluskos. Kaya dumiretso na siya sa dako ng kusina at namangha nang masipat ang topless na si Mark sa dining area. At least he was wearing his gray sweatpants. Nakaupo ito roon habang kumakain ng omurice.
Nagulat din si Mark nang makitang nakatayo sa harapan niya ang babaeng manipis ang suot na blouse. Nakalimutan din nitong isuot ang bra, bagay na hinuhubad niya bago matulog. "Oh, you're here. Kagigising mo lang ba? Kumain ka na ba?" bungad nga ni Mark rito.
BINABASA MO ANG
The Name In Your Book
ChickLitMark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman kilala ang author, nagulat si Ray nang makita ang pangalan niya sa dedication page ng librong iyon. 💛