14. The Next Date (2)

150 14 23
                                    

"Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Bakas naman sa tono ni Ray ang pagkainis.

Ang sagot ni Mark, "Sorry nawala sa isip ko. Ano Third, samahan mo naman si Ray."

"Okay lang ba sa 'yo, Ray?" paniniguro ni Anxo nang bumalik ang ngiti sa mukha nito.

"Oo naman," sagot ni Ray nang pilitin ang ngiti sa mukha. Gusto rin naman niyang kasama si Anxo pero iba na kasi ang na-imagine na niyang kasama kagabi.

Pasado alas siete na ng gabi nang maihatid sila ni Mang George sa sinasabing ramen house.

Bago makahanap ng upuan sa loob ng ramen house, agad na niyang napansin si Josh na nakatayo malapit sa full-service bar ng resto. Medyo malago na ang buhok nito at kahit ngayon ay nagugulat pa rin siya sa laki ng tinangkad nito.

Lumaki ang ngiti ni Josh nang mapansin si Ray at agad itong nilapitan. "Hey, bumalik ka. 'Di mo man lang ako tinawagan?" bungad nito at bakas ang pagtatampo sa tono.

"Sorry, nawala ko kasi 'yung business card mo. Pero buti, hindi 'to nawala," usal ni Ray nang iwagayway ang dalawang maliit na coupon.

Napaumis si Josh. Noon na rin ipinakilala ni Ray ang kasama sa kaibigan. Nagmadali nga lang itong umalis nang tawagin ng isa sa mga staff niya.

Pinili ni Mang George na umupo malapit sa pintuan ng resto kung saan tanaw pa rin nito ang dalawa. Nasa kanya naman ang credit card ni Anxo na inabot ng binata kanina. Sabi pa ni Anxo, umorder siya ng kahit anong gusto niya.

Doon naman umupo sina Ray at Anxo sa full-service bar na parang soshal na carinderia ang itsura. Anim na tao lang ang kasya roon. Ang anim na stools ay nasa iisang hilera lamang. Sakto namang apat pang upuan ang bakante. Doon naupo sa dulo ng bar si Anxo na tinabihan naman ni Ray. May ilang lantern sa taas ng bar at may mga puting bandana roon na may nakasulat na Japanese characters. Dimmed din ang ilaw sa loob.

"So you also like ramen?" basag ni Ray sa katahimikan.

"Yeah. Bata pa lang kasi madalas na kami mag-ramen." Dahil sa unahan ng sasakyan umupo si Anxo kanina, ngayon lang niya ulit ito nakatabi kaya ngayon lang din niya naamoy ang cologne nito. Amoy bagong ligo ito na binurburan ng pambatang pulbo sa likod. Pero s'yempre, 'yung amoy mamahaling pulbo at cologne. 'Yung amoy na lalong nakakaguwapo sa binata. Sa amoy pa lang, alam na niyang ang linis-linis din nito sa katawan.

"Ang mahal kaya ng ramen. Iba talaga pag nakakaangat."

"Grabe. Home-cooked 'yung ramen na kinakain namin. Mas mura 'yon."

"Ay taray, parang 'yung sa mga napapanood ko."

"Well, kasi, my great-grandma is a Japanese. Pure japanese. Siya ang nagbigay ng pangalang Kenji kay Dad."

"Wow. May dugong hapon pala kayo," manghang sagot pa ni Ray sa binata kaya tuloy muli niyang sinilip ang mga mata nito.

Nang maramdaman ang tingin ng dalaga, bigla tuloy humarap sa kanya si Anxo at kulang na lang ay magdikit ang mga mukha nila. "Pero malayo na."

"Ha? Ang lapit na nga e."

"Ha? Malayo na. 1/8 na lang siguro. Kasi ang dad half pinoy lang siya, 1/4 Japanese, at 1/4 British, dun galing ang Rushton. Kaya siguro hindi singkit ang mga mata ni dad. Well mom is half-chinese, so siguro sa kanya ko namana ang mga mata ko."

"Grabe 'yun. Kaya naman pala ang guwapo niyong magkakapatid." Nagulat din si Ray sa nasabi niya, hindi pa rin kasi niya inaalis ang titig sa binata.

Napatawa si Anxo. "And Kuya Mark's mom is half-Spanish. So he's 1/4 Spanish."

"Grabe kayo. Inggit ako. Pero who knows, baka naman ang great-great granpas namin ay Spanish, kasamahan pa nina Ferdinand Magellan."

"Portuguese si Magellan."

"Ah Portugal ba sumakop sa Pinas for 300 years?"

Napatulala si Anxo dahil sa naturan ni Ray sa seryosong mukha.

"Charot lang. Alam ko naman. Basta Portuguese man o Spanish, baka kahit 1/16 nahaluan ako."

Natawa na naman si Anxo. "Ewan nga natin. Mestiza ka naman. Or p'ede ring Chinese ang ancestors n'yo, singkit din si Rayco ah. Who knows? Ilang daang taon ding nasakop ang Pilipinas noong unang panahon, it's hard to say kung sino nga ba ang tunay na mga Pilipino? Basta kung ano ang meron tayo ngayon, sure akong nagmula 'yon sa maraming lahi at kultura. Dahil kahit nga ang mga tribu na hindi masyadong nararating ng makabagong sibilisasyon, maaaring nagmula rin sila sa ibang lugar, ibang kontinente. So siguro sa ngayon hindi na mahalaga kung anong race mo, ang mahalaga ay mga pinaniniwalaan at pinanghahawakan mo. 'Yung hindi mo hahayaang mawala 'yung mga kulturang kinagisnan mo, alam mo mang ang kulturang ito ay galing lang din sa ibang kultura na hindi mo lang alam ang pag-iral."

Hindi naman masyadong nahabol ni Ray ang mahabang sinabi ni Anxo. "Teka bakit parang HeKaSi na ang usapan natin?"

"Sorry. Hindi ka ba mahilig sa history?"

"Hindi masyado. 'Yung kay Magellan lang talaga tanda ko," nakangising sagot nito. Tapos hindi pa niya alam na Portuguese pala ito. Noon na rin naman dumating ang mga order nila na si Josh na mismo ang nagdala.

"Thanks, Ot-Josh. 'Yaan mo babalik kami next time. Lugi ka na sa akin e."

"'Sus, para 'yan lang. Basta enjoy your meal. And since pala winawala mo ang card ko, bigay mo na lang sakin ang...." Hindi na nga lang nito natapos ang sasabihin nang marinig nila ang nahulog na bowl ng ramen sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabagsak nito. Pero malayo iyon sa bar at nasa bandang dulo ng resto.

Napaisip naman si Ray nang masilip nila ang mukha ng babae na mag-isang nakaupo sa puwestong iyon na agad ngang pinuntahan ni Josh. "Wait. Si Nat ba 'yon? 'Yung friend nina kuya at Caleb," tanong tuloy niya kay Anxo nang mamukhaan ang babae.

"Wait, siya nga. Bakit siya nandito?" Gulat ang rumehistro sa mukha ni Anxo. Daig pa niya ang nakakita ng multo.

AN: Maligayang araw ng kalayaan sa ating lahat! 💙❤️💛 Nawa'y hindi natin makalimutan ang tunay na kahulugan ng ating kalayaan. Ipaglaban. Alamin ang inyong mga karapatan. At 'wag sana tayong magsawang mahalin ang ating bayan, kahit minsan ang hirap-hirap na at ang sakit-sakit na.  🇵🇭🇵🇭🇵🇭

The Name In Your BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon