¨Hindi ka ba nagsasawa na ako lagi mong kasama?¨ Bryan asked me.
Well, that question hurts. Hindi niya ba pansin na masaya akong kasama siya, hindi nga lang halata.
Pauwi na kasi kami ngayon, sabay kaming naglalakad. Magkapitbahay kasi kami. Oh diba? Buong araw ko siya nakakasama. It's the best moment I'm having right now.
¨Kung alam mo lang, sobrang sawa na ako sa pagmumukha mo.¨ I lied. Napatigil naman siya sa paglalakad.
Bakit ba tigil ng tigil toh?
¨Ah ganun?¨ Inakbayan niya ako. Bakit ba lagi niya akong inaakbayan? It gives my body chills everytime.
¨Wala kang magagawa kasi sa ayaw at sa gusto mo. Ako lagi ang makakasama mo, lagi mong makikita, laging mong maamoy at lagi mong makakausap. Alam mo kung bakit? Kasi bestfriend mo ako. Dibale, gwapo naman ako.¨
Bakit parang ang sakit pakinggan? Or OA lang talaga ako?
¨Yeah, right.¨ I said. Nagpatuloy kami sa paglalakad pero naka-akbay parin siya sa akin.
Ang sarap ng feeling na parang nakayakap siya sa akin.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
¨Oh siya! Shoo! Umuwi ka na, ambaho ng kili-kili mo.¨ tinutulak ko siya palayo kahit na gusto ko parin siya na nakaakbay sa akin.
¨Eh kung mabaho kili-kili ko, eh di kili-kili ka din? Hahaha!¨ --- =___= bastos!
Binuksan ko na yung gate namin pero hindi parin siya umaalis. Problema nito? Katabi lang naman namin yung bahay nila.
¨Ynna, hindi mo ba ako papapasukin? You know, gugutom.¨ Aba't ginawang restaurant ang bahay namin?
¨Psh! Dito ka na nga natulog kahapon, hihirit ka pa?¨ Yup. Minsan sa bahay siya natutulog. Kung tutuusin nga eh may kwarto na siya sa bahay namin.
At mga magulang ko pa talaga ang nagsabing yun ang kwarto niya.
Mag-isa lang kasi si Bryan sakanila, I mean hindi naman mag-isa kasi may dalawa siyang katulong. (Yes po, rich kid ang bestfriend ko). Parents niya kasi eh nasa abroad, doing their businesses.
¨Eh bakit? Parang bahay ko na din naman yan ah. Susumbong kita kay tito.¨ At nagbigay pa ng babala? Close kasi sila ni Papa dahil nga sa mga basketball thingy.
Walang sabi sabi eh pumasok na siya sa bahay. Kapal ng mukha.
¨Hello po tito, tita! I'm HOOOOME!¨ I'm home? Tsk! Kakaasar talaga ito, mafeeling.
Lumabas naman sila Mama galing sa kusina.
¨Ohh Bryan, anak, nandito ka na pala. Hala sige, kain na kayo, tamang tama ay nakaluto na ako.¨ Talagang si Bryan ang unang nakita? Mama? Ako ang anak niyo diba?
Close ang parents ko kay Bryan. Feeling ko nga mas mahal nila si Bryan kesa sa akin. Wala kasi akong kapatid kaya itinuturing nalang nilang anak si Bryan.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown