Chapter 33: Mad.

28 0 0
                                    

It has been three days.

Three days nang ma-ospital si Lester.

Three days na iniiwasan ako si Bryan.

Three days na wala akong kasama.

Hindi ko alam kung anong nangyari, or kung anong meron, pero parang ang bilis lumipas ng mga oras at araw.

¨Bryan, may problema ba?¨ yan ang lagi kong tinatanong kay Bryan sa tuwing makikita ko siya. Lagi niya akong iniiwasan these days, at gagawa pa talaga siya ng palusot para maiwasan ako. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan, wala naman akong maalala na ginawa kong mali sa kanya.

Hindi kaya nag-away sila ni Lia? Hindi ko nadin sila nakikitang magkasama eh.

¨Ah? Wala. Cr lang ako.¨ tapos umalis siya.

Nasa klase kami ngayon, at dahil nga magkaklase kami at seatmates pa, mas lalo kong nararamdaman na lumalayo siya.

Bakit? Oo nga, seatmate ko siya pero lagi siyang lumilipat sa bakanteng upuan na malayo sa akin at ako naman lagi siyang nilalapitan.

Ano bang problema niya? Bakit ganun siya?

Ang huling natatandaan ko, ayos naman kami ah. Bakit?

Kaya tuwing break, gaya ngayon, wala akong kasama. Si Lester na lagi kong nakakasama dati, hindi na ako sasamahan. Si Bryan na bestfriend ko, lumalayo sa akin. Si Rachel naman hindi ko na masyadong nahahagilap, hindi kasi kami magkaklase.

Kaya eto ako, loner. Wala na kasi akong ibang kaibigan na tinuturing kong 'close' sa akin.

¨Oh Captain! Bakit pansin ko lagi kang walang kasama?¨ tinabihan ako ni Katy, vice captain ko sa cheer squad.

¨Ewan ko din eh, mukha ata akong may sakit para layuan ni Bryan.¨ diretsong sabi ko.

¨Ha?¨ naguguluhang tanong ni Katy.

¨Ah-ehh, wala. Trip ko lang mag-isa. Bakit ka nga pala lumapit?¨

¨Gusto lang kitang samahan kumain. Hehe¨ At least may sumama sa akin ngayon, may kasama na akong kumakain.

Ang daldal ni Katy, siya lagi ang nagsasalita sa aming dalawa. Nakakairita tuloy, wala man lang akong time para mag respond sa mga sinasabi niya. =____=

Tuloy parin siya sa pagtalak kaya lagi kong pinapaikot ang mata ko, nang may mahagilap ako.

¨BRYAN!!¨ sigaw ko na nagpatigil sa madaldal na Katy at sa iba pang estudyante dito sa canteen pero parang hindi man lang narinig ng taong tinawag ko.

¨BRYAAAAAN!!¨ sigaw ko ulit, this time napatingin na siya. Kakaway na sana ako pero naglakad naman siya palayo.

Bwiset.

Tatlong araw na akong nagtitimpi sa drama ng lalaking yun! ANO BA TALAGANG PROBLEMA NIYA!!? Pag ako talaga sumabog sa inis, papatayin ko si Bryan.

¨Ah Katy, salamat sa pagsama sa akin ha? Una na ako. BYE!¨ tapos iniwan ko siya mag-isa at hinabol ko si Bryan.

- - -

¨Oo pare! Hahaha!¨ naabutan ko siya dito sa gym, nakikipagtawanan sa isa sa mga teamates niya. Tawa lang sila ng tawa nang mapansin at tinuro ako ng kasama niya kaya napalingon siya.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon