Chapter 11: Plan

40 1 0
                                    

¨HOY RACHEL! May plano ako.¨ -- I'm on the phone with Rachel.

¨At ano naman pakialam ko jan sa plano mo, aber?¨ Tsk! Aga aga ang sungit ng babaeng ito. Badtrip ah!

¨Sungit mo!¨

¨Ganda ko.¨ --- sheeeesh!

¨So my plan is....... make Bryan jealous! Haha¨

Kahapon kasi feel na feel kong nagseselos siya sa tuwing kakausapin nila Mama at Papa si Lester. Imbes kasi na kaming apat lang ang naguusap usap, nakisali si Bryan.

At puro ewan ang mga sinasabi niya.

Pumayag naman si Papa na ligawan ako ni Lester, at eto namang si Bryan nagtataka kung bakit. Akala daw niya kasi bawal pa ako mag-boyfriend. SUS! Maryosep!

Mas maganda na daw na siya ang lagi kong kasama.

Sana lang Bryan. Sana lang, ikaw na lagi ang makasama ko.

Ang OA niya, pinagpipilitan niya siya ang bestfriend ko. Napaka-nonsense ng mga pinagsasabi niya kahapon, walang konek.

Nakarinig naman ako ng malakas na halakhak sa kabilang linya.

¨HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! Se-seryo-yoso ka sa pinagsasabi mo Ynna?! You'll make Bryan? As in BRYAN!? JEALOUS? About what? Sainyo nung manliligaw mo? Hakhakhak!¨

Bakit? Impossible ba masyado?

¨Yah.¨ cold kong sagot.

¨And you think that's possible?¨ 

¨Oo, I can sense yesterday na ayaw niya ako kay Lester.¨ That's how I felt! Wakapake!

¨For goodness sake, huwag ka ng umasa friend! Remember? BESTFRIEND KA LANG NIYA!¨

Hindi naman kailangang ipagdiinan eh. Alam ko yun, pero I just want to stick to the plan.

¨Tsk! Basta, eto ang gagawin ko. Bye.¨ binabaan ko siya ng telepono. Walang silbe! Aish!

Lagi nalang akong umaasa, sana sa pagkakataong ito ....

*Tok Tok Tok Tok**

¨Bukas yan, pasok!¨ sino naman kayaang kumatok sa pinto.

¨Sabay na tayo umalis.¨ si Bryan.

Dito ulit kasi siya sa bahay natulog, siyempre mahal siya ng tatay ko eh.

¨Ah, sige. Naka-ready naman na ako eh.¨ lumapit siya sa akin.

¨Another day...¨ sabi niya sa tapat ng mukha ko. Ano daw?

¨Another day what?¨ tinalikuran lang niya ako at nagwave ng kamay. Weird?

¨MA! PA! Alis na po kami.¨ pagpapaalam ko sa pinakamamahal kong mga magulang.

¨Mag-ingat kayo.¨ they both said.

¨Hindi mo ba isasama si Lia?¨ tinanong ko si Bryan habang naglalakad kami papuntang bus stop. Pupunta kaming mall ngayon eh, relax habang sunday pa at walang pasok.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon