Chapter 1: She won't.

73 3 0
                                    

¨So as I was saying, tomorrow you will be having a surprise quiz regarding the topic that we had discussed today..¨

Shunga ba si Ma'am So-I-Was-Saying? Bakit niya i-aanounce ang surprise quiz? Hayyyz. Bakit pa kasi itong teacher na ito ang first subject namin? Napakaboring. Paulit ulit ulit lang ang mga sinasabi niya. SO AS I WAS SAYING. =___=

¨Class dismissed.¨ --- at last! Ang pinakahihintay na sentence galing sakanya.

So nagpaalam na kami sakanya and wishing na hindi na siya bumalik. Tsk! Tatayo na sana ako nang biglang may humigit sa akin paupo.

¨ANO BA?!¨ Nakalimutan kong katabi ko pala itong ugok na ito.

¨Aga aga ang sungit natin ah? Meron ka ngayon noh?¨ EPAL! Sino kayang hindi susungit kung ang aga aga eh andaming nakapaligid na bwiset?

¨Tsk! Ano nanaman bang kailangan mo ha? Bryan?¨ 

Si Bryan Clyde de Leon. Ang bestfriend kong walang kwenta.

¨Mukhang nakakalimutan mo ata ang napagusapan natin, Ynna?¨ uhhhh, napagusapan what?

Binigyan ko siya ng anong-pinagsasabi-mo-look. >___>?

¨Hay naku. Diba napagusapan natin na ako dapat ang unang tatayo bago ikaw?¨ Tumayo siya at tumingin ulit sa akin.

¨Ayan, pwede ka ng tumayo. Hihi ^___^¨ ---- AIIIISH! Napaka-childish talaga nitong mokong na ito. Imagine that? Ganyan pa din siya kahit nasa huling taon na kami ng highschool. 

¨Corny mo.¨ Kinusilapan ko siya at tumayo na din. 

Sabay na kaming lumabas, break kasi namin ngayon at papunta kami sa canteen na lagi naming gawain. Sabay kaming naglalakad at pinagtitinginan kami ng mga schoolmates namin.

Nakangiti sila sa amin. Siyempre nginitian din namin sila.

Hindi ko alam kung bakit naging sikat kami ni Bryan dito sa school. Akala nga nila na kami ni Bryan eh, pero 'EWW' . Magbestfriends lang kami.

Lang Kami.

Ako pala si Ynna Heidi Gaspar. Maganda nalang for short! Hahaha, joke. Pero totoong maganda ako, chos! Ynna ang tawag nila sa akin.

¨HOY YNNA!¨ Naglalakad kami ng mapatigil si Bryan at bigla akong sinigawan.

Problema nito? May topak na ata eh.

¨OH BRYAN!¨ sagot ko sakanya. Ganito kami, sigawan kami kung may unang sumigaw.

¨Lapit ka dito, dali!¨ Naexcite naman ako dahil sa tono ng boses niya, lumapit ako.

¨Nakikita mo yun?¨ may tinuro siya. Binatukan ko nga.

¨Ang alin? Ang daming makikita jan oy!¨ Ituro ba naman niya ang malawak na garden. =___= Malamang marami akong makikita doon.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon