¨Lester, salamat ulit sa paghatid ha?¨ kagagaling kasi namin ulit sa studio nila. Of course, nagbonding kami ng mga makwelang sina Migz, Josh at Cody.
Feeling ko nga, kabanda ko na sila at talented na rin ako.
¨Wala yun, ikaw eh.¨ ngumiti siya.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na ako sa bahay.
O____O?! Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko si Mama, Papa at Bryan na naka-cross arms at nakataas ang kilay.
Wow?Anong meron? Gag show ba ito?
¨What's with you people?¨ nagtatakang tanong ko pero ganun parin ang itsura nila.
At ano bang ginagawa dito ni Bryan? Psh.
¨Anong oras na? Bakit ngayon ka lang?¨ masungit na tanong ni Mama. Woah!
¨Ang pagkakaalam ko, kaninang alas-kwatro pa yung uwian mo, bakit palagi ka nalang ginagabi?¨ seryosong sabi naman ni Papa.
¨Oo nga.¨ second emotion naman ni Bryan. Aba ang epal!
¨Pa, Ma..¨ mag-eexplain pa sana ako pero nagtalak nanaman sila.
¨Nagrerebelde ka na ba anak ko?¨ malungkot ang expression ni Mama. Rebelde? Ang OA ha?
¨Tinatrato ka naman namin dito ng mabuti, bakit ka nagrereblede?¨ worried na tanong ni Papa, natawa tuloy ako sa isip ko. Anong trip ng mga ito?
¨Oo nga.¨ epal nanaman na singit ni Bryan. Hay naku!
¨Ano ba? Hindi ako nagrerebelde. Bakit pa? I have the greatest parents.¨ nakangiti kong sabi sakanila. Nilagpasan ko silang tatlo at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig.
Ang sakit kasi ng lalamunan ko kaka-jam sakanila Lester eh.
At alam ko ding sinundan nila akong tatlo, para tuloy akong may tatlong buntot.
¨Eh bakit lagi kang ginagabi ng uwi?¨ tanong nanaman ni Mama
¨Saan ka pumupunta? Buti sana kung kasama mo si Bryan.¨ napatigil ako sa pag-inom.
Hello? Bakit kailangan pang kasama si Bryan? May iba naman na siyang kasama.
Tumingin ako kay Bryan at hinintay ko siyang magsabi ng Oo nga! Pero wala. Tsk!
¨Listen. Wala akong ginagawang masama, okay? Chill, relax! I was with my friends. Tsaka, kasama ko naman si Lester.¨ sagot ko at nilagpasan ko muli sila at dumeretso sa sala.
Pero para silang ewan, sinundan nanaman ako.
¨Friends? Eh bakit hindi kasama si Bryan?¨ tinabihan ako ni Papa sa pag-upo.
¨Pa? Hindi lang naman si Bryan yung friend ko ah.¨ tinignan ko ng masama si Bryan.
¨Eh kasi ang alam namin, si Bryan at Rachel lang friends mo.¨ singit ni Mama
¨New friends, then.¨ cold na sagot ko.
Nagsisimula na akong mainis, ang kukulit nila. At naramdaman kong nafeel na rin nila yung inis ko.
¨Ah sige, magluluto na ako.¨ umalis na si Mama
¨Ah sige, titikman ko luto ng Mama mo.¨ umalis na din si Papa.
Naiwan kami dito ni Bryan.
¨Bakit nandito ka?¨ I asked him.
¨Bawal na ba ako dito?¨
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown