¨Aish! Sana nandito nalang si D.O ng Exo para may kasama akong kakantahan ako."kinakausap ko ang sarili ko habang binabato ang mga pebbles kung saan.
I need some alone time kaya nandito ako sa banda ng area kung saan walang tao.
Kailangan kong palamigin ang ulo ko. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
¨PWEH! Amoy damo!¨ ilang oras na ba ako nandito? Medyo dumidilim na.
¨Nakakainis ka talaga Bryan. Tanga ka eh! Hindi mo ba alam na nasasaktan ako kasi akala ko galit ka kaya iniiwasan mo ako, yun pala, trip mo lang? Heng! Aba'y matinde! Anong klaseng tao ang may trip ng ganun?¨ nagbato ulit ako ng bato sa malayo tsaka tumayo.
¨Pasalamat ka naiinis lang ako sayo, hindi ko kasi kayang magalit sayo. Hayyy, iba talaga pag mahal mo yung tao.¨ mukha akong tangang kinakausap ang sarili ko.
Di nagtagal, parang natakot na ako kasi madilim na talaga, kaya naisipan kong bumalik sa camp. Buti nalang may flashlight itong phone ko.
¨Hoy saan ka nanggaling? Ha? Kanina ka pa namin hinahanap, ang dami mong namiss na activities.¨ bungad sa akin ni Jelli.
¨Bakit? Kayo na rin ang nagsabi na hindi niyo ako isasali sa activities, so what's the point of you nagging?¨ sarcastic kong tanong.
Wala ako sa mood, don't talk to me.
¨Sungit.¨ tapos nagcross arms siya, ¨May campfire daw, dapat lahat tayo nandoon. Kung ako sayo, halika na.¨ tapos hinila niya ako.
Nakita ko naman na nagtipon tipon yung mga schoolmates and classmates ko sa harap ng apoy. Anong iluluto? Letson ba? Wuwwww.
¨So bakit tayo nandito ngayon?¨ tanong ko kay Jelli.
¨Part to ng camping, hello? Yung may bonfire tapos magkwekwentuhan tayo, kantahan, chibugan. Bonding kumbaga." pageexplain niya. Urggh, sorry ha? First time kong magcamping eh =___=
Naupo na din kami ni Jelli sa harap nung apoy, sakto naman na dumating yung Camp Director at nagsabi ng kung ano ano. Di na ako nakinig, inaantok na ako at wala rin akong gana.
¨So let's start?¨ sabi niya. Anong start? Tapos tinuro niya si James from Section 4.
¨Sana maging successful tayo in the future. Walang kalimutan ha?¨ sabi niya. Anong nangyayari?
¨Anong meron? Huling habilin ba niya yun?¨ bulong ko kay Jelli.
¨Gaga! Sabi nung director, isa isa daw tayong magsasabi ng kung anong gustong sabihin sa batch natin. Heart to heart! Di ka nakikinig noh?¨ ay sorry naman!
So nagtuloy tuloy na yung mga nagsasalita, at talagang isa isa paikot, walang pinapalagpas.
¨Salamat sa lahat! Tsaka Pareng Lito, di kita makakalimutan, ang dami nating pinagsamahan.¨ natawa kaming lahat sa sinabi ni Liam, bakla ba siya?
Isa isa silang nagsasalita, hanggang sa ako na pala ang susunod.
¨Huy Ynna! Wala ka bang sasabihin?" siniko ako ni Jelli. Ano namang sasabihin ko?
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Fiksi Remaja¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown