Lester's POV
Habang kumakanta ako, nakatingin lang ako kay Heidi.Pero siya? Pilit na umiiwas sa mga tingin ko. Lagi nalang bang ganun?
Mahabang panahon na rin ang pinagsamahan namin ni Heidi, at sa mga panahong iyon lagi kong pinapakita sa kanya na masaya ako.
¨WOOOO! Idol talaga kita Papa Lester!!¨ sumigaw si Josh nung natapos na akong kumanta pero hindi parin ako umaalis sa pagkakatayo ko dito.
Sa totoo lang nasasaktan ako, hindi naman ako manhid eh at mas lalong hindi ako bulag. Noon, sa tuwing kasama ko si Heidi, lagi siyang cold sa akin. As in wala siyang emosyon man lang. Pero kapag kasama ko siya at meron si Bryan? Ang sweet niya sa akin.
Anong ibig sabihin nun?
Ganun naman palagi eh.
¨Huy! Bumaba ka na jan!¨ sigaw ni Migz. Mag-isa ko nalang pala dito sa platform. Nakatingin parin ako kay Heidi, pero mukha naman akong tanga, hindi man lang siya tumingin sa akin ng pabalik.
Dahil ba sa binulong ko kanina?
These days, naging malapit sa akin si Heidi, dahil narin siguro sa mga kabanda ko. Hindi na siya ganun ka-cold, at kinakausap na niya ako ng hindi siya napipilitan.
Para bang, tinuring na niya akong kaibigan.
Pero hindi yun sapat sa akin, mahal ko na siya eh. Ewan ko din kung bakit, basta alam ko, yun na ang naramdaman ko.
¨Ynna,¨ sinabi ko gamit ang mic. Lahat sila napatingin sa akin, pati ni Heidi. Nagulat sigro siya kasi ngayon ko lang siya tinawag na YNNA.
Katahimikan.
¨Tungkol dun sa binulong ko kanina, may sagot ka ba?¨ Oo, alam kong hindi naman tanong yung binulong ko para humingi ako ng sagot, pero sana meron man lang diba?
Hindi sagot ang narinig ko kundi bulungan ng mga kabanda ko. Tsk!
Nakatingin lang sa akin si Heidi.
¨Ynna? Heidi?¨ tanong ko ulit, pero ikinagulat ko yung sagot niya.
¨Hindi ko naman narinig yung binulong mo eh.¨ --- sabi niya. Ouch!
Napangiti ako ng mapait.
¨T-talaga?¨ nagtawanan naman sila Josh. Tsk! Mga bwiset, panira ng mood,
¨Oh di uulitin ko nalang,¨ nginitian ko si Heidi, ¨I love you, Heidi. May chance ba para mahalin mo din ako?¨ seryoso kong tanong.
Naramdaman kong nagulat ang lahat. Pati narin sila Lia at Bryan.
¨L-L-Lester...¨ nauutal niyang sabi. Kinakabahan ako.
Sana kahit man lang sabihin niyang pag-iisipan niya pa. Just give me a chance, Heidi, to prove myself to you.
Ang tagal niyang magsalita, pero may napansin akong kakaiba sa mga mata niya, naluluha siya. Bakit?
¨Heidi?¨ tanong ko ulit.
Pero the next thing I know, bigla nalang siyang tumayo at lumabas sa studio. Na-semento ako sa kinatatayuan ko.
Nag-walk out siya?
Hindi man lang siya sumagot?
Ganun nalang ba yun?
Masakit.
Susundan ko sana siya, pero parang naunahan na ako ni Bryan.
- -
A/N: A short update for Lester. :(
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown