Chapter 4: I'm Now A Chicken.

56 3 0
                                    

 

¨Tapos alam mo ba? Hindi lang sa basketball magaling ang loko, magaling din siyang sumayaw at kumanta. Multi-talented kumbaga. Saan ka pa?¨ Pagtataas ko ng barko ni Bryan kay Lia.

 

Yes, napapayag din ako na ilakad siya kay Lia. What can I do? Sabi niya he needs me. At ito naman ako, uto uto.

 

Flashback

¨Please Ynna? Be my wing girl. You know that I need you.¨  

Sweet niyang sabi sa akin, with his puppy face. Oh the heck! =____= Who can say no to that?

¨But first of all, I am not a bird to be a wing girl.¨ Ayaw ko talagang gawin eh, pero konting push nalang niya, mapapapayag na ako.

 

¨Siyempre naman hindi ka ibon, Ynna.¨ Compliment ba yun? ¨So you'll do it?¨ Ayan nanaman po ang ngiti niya. Arghh!

 

¨Oo na! Ano pa bang magagawa ko?¨ nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

 

My heart went THUMP! THUMP! THUMP!

¨HOY CHANSING TOH!¨ I shouted to hide my romantic feelings.

¨Thank you, bawi ako sayo next time.¨ Bumitaw siya at hinawakan ang ulo ko. What now?

 

 

¨Oh and, you're not a bird Ynna...

 

 

You're a chicken. Hahahaha!¨ tumakbo siya. Really? After I decided to help him, I am a chicken? Tsk! Kundi lang kita .... AIYSH!

 

End of Flashback

 

¨Talaga? Hindi lang pala siya gwapo kundi talented din.¨ Sabi ni Lia. Yes! Matagal ko nang alam yan, bago ka pa. Psh!

¨Type mo ba ang mga lalaking ganon? Well, matalino din ang bestfriend ko.¨ Please say no. SAY NO!

 

 

¨Actually, wala naman talaga akong type sa isang lalaki eh. Basta kung gusto ko siya, gugustuhin ko ang pagkatao niya.¨ So is that a YES? What the F?

¨Alam mo sa totoo lang, akala ko hindi ikaw yung tipong mahilig sa crush, sa love, sa romance ba.¨ Kasi nung una akala ko wala siyang pakialam sa mga lalaki.

 

 

¨Bakit mo naman nasabi?¨

¨Kasi unang tingin ko sayo, pansin ko boyish ka eh.¨ Well, I'm trying to be honest here.

 

 

¨Hindi naman ibig sabihin na boyish akong manamit eh, wala na ang pagkagirl ko. Hindi lang kasi ako maarte sa mga damit, at gusto ko simple lang ako.¨ Owwww. So opposite of me.

 

Wala akong masabi.

¨So balik tayo kay Bryan.¨ she said. So interesado na siya?

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon