¨Let's talk Ynna.¨ --- Bryan.
Nandito siya ngayon sa bahay para manggulo. Bakit ba kasi basta basta nalang siyang labas-pasok dito sa bahay. =___=
¨About homework? Wala tayong assignments ngayon.¨ diretsong sabi ko sakanya.
¨Hindi yun. Yung tungkol sa kanina.¨ hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
¨Anong kanina? May nangyari bang bago kanina? Bakit nga pala nandito ka?¨
Nilagpasan ko siya at umupo sa sala, manunuod nalang ako ng TV. >____>
¨Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka? You've always been cold these days.¨ pinatay niya yung TV. AISH!!!!!!!
¨Hindi ba dapat masaya ka? Huwag mo na akong alalahanin, just focus on Lia. I won't bother the both of you. Basta, tawagin mo nalang ako kung kailangan mo ko.¨
Tinitigan lang niya ako ng matagal at umalis na sa bahay. Tsk! Ganun lang yun? Di man lang nagpaalam.
I miss you Bryan.
Sorry kung nagkakaganto ako, ayaw ko lang maging sagabal.
---
Next Day.
Papasok na ako ng gate ng eskwelahan nang may lalaking epal na humarang sa akin.
¨Good Morning, Heidi!¨ --- since yesterday, sino pa bang tumatawag sa akin ng Heidi?
¨Oh, it's you.¨ I greeted him sarcastically.
Kinuha niya mula sa akin ang shoulder bag ko. WAH! Ang bag ko nahawakan ng stranger!
¨HOY! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?¨
¨Ano pa nga ba? Nanliligaw.¨ he said smiling. Ano daw?
¨Nanliligaw? Kanino?¨
¨Sino pa ba? Eh di ikaw. Tara, hatid na kita sa classroom niyo.¨
Ano na ulit pangalan niya? Dexter ba?
¨Excuse me. Wala akong natatandaan na pumayag akong manligaw ka.¨ sinubukan kong agawin ang bag ko sakanya pero ang reflex niya, ay sadyang mabilis.
¨Ha? Hindi ko naman kailangan ng permission mo eh. I'm doing this because I like you.¨ hinila niya ang braso ko para mapalapit sakanya.
I like you.
¨Bitawan mo nga ako! Aish! Akin na yang bag ko, mahal pa yan sa buhay mo¨" binitawan naman niya ako pero hindi niya binalik yung bag.
¨Ano sabi mo? Mahal mo ang buhay ko? Ang sweet mo. ^___^¨ SHET ITONG LALAKING ITO!
Napilitan akong maglakad kasabay nitong si Dexter. And all of these people around us are staring/glaring.
Porket gwapo ang kasama ko?
Oo, I admit. Gwapo siya. =____=
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Fiksi Remaja¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown