Ynna's POV
It's been three days since yung dinner namin sa bahay nila Bryan. Grabe! Napa-awkward nung gabing yun, pero may one thing na nabagabag ako nung gabing yun..
Yung sinabi nila na isasama nila si Bryan sa States. Hindi naman siguro yun totoo diba? Hindi ko pa naman tinatanong si Bryan tungkol dun, ayaw kong malaman yung sagot.
¨Anong sagot?¨ tanong sa akin ni Bryan. Nandito kami ngayon sa canteen dahil break. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang kasama niya ngayon, at hindi si Lia.
Dalawang araw na ata silang hindi nagsasama, ako eto, pamalit sakanya. T____T
¨Hindi ko alam, hindi ako magaling sa physics.¨ sabi ko.
Nga pala, si Lester, sa dalawang araw, lagi ko siyang nakakasalubong pero lagi siyang umiiwas. Alam ko, kasalanan ko naman. Nabigla lang talaga ako at naguilty nung nag-confess siya.
¨Ah eto pala, pinamimigay ni Mommy.¨ may inabot siya saakin na lunch box. Wow!
Nakwento na rin sa akin ni Bryan yung mga sinabi ni Kuya Jayden sakanya, at sa ngayon nga, medyo ayos na ang pamilya niya. Chill na! At masaya ako para sakanya.
¨Waaaah! Salamat.¨ kinuha ko yung lunch box at binuksan. Kuminang naman ang mga mata ko kasi mukhang masarap. Mehehe.
¨Dapat kay Lia yan eh, pero since ayaw niyang magpakita, sayo nalang.¨ bigla naman akong nalungkot sa sinabi ni Bryan.
So para kay Lia talaga ito?
Pamalit lang ba talaga ako kasi wala siya? T____T Nawalan tuloy ako ng ganang kumain kaya tinakpan ko yung lunch box at nilayo sa akin.
¨Bakit nga pala hindi nagpapakita si Lia?¨ tanong ko nang hindi nakatingin sakanya.
¨Di ko alam, tinext ko siya, tinawagan ko na't lahat lahat hindi siya sumasagot.¨ sabi niya na walang gana. Hays! Kahit mahal ko to, parang nainis ako sakanya kasi hindi man lang siya mag-alala kay Lia.
¨Gago! Kumilos ko kaya ano? Malay mo may nangyari palang masama, or kung may sakit siya!¨ binatukan ko siya. Kakaasar, yan ba ang tinatawag na boyfriend? =___=
¨Hayy, pinuntahan ko na rin ang mga friends niya pero hindi daw nila alam kung saan siya. O? Nag-effort ako.¨ sabi niya sabay inom ng softdrink.
¨Si Lester kaya? Tanong mo nga sakanya.¨ sabi niya sa akin, sinamaan ko siya ng tingin.
¨You think Lester would talk to me? Tsk. After what I did..¨ hindi niya ako pinatapos.
¨Then try to talk to him. Para lang to clear things out.¨ sabi niya.
Ayaw ko, hindi pa ako ready. Pero honestly, namimiss ko yung kakulitan niya, pati na rin sila Josh, Migz at Clyde. Baka galit silang lahat sa akin. T___T
¨Bryan..¨ napalingon kami kasi biglang may nagsalita.
>____>
¨Lia..¨ sabay naming sabi. Oh nandito na pala siya eh. Saan kaya toh nagsusuot?
¨Bryan, we need to talk.¨ nang sinabi niya yun. alam kong kailangan ko ng lumayas at bigyan sila ng space para mag-usap. Mukhang seryoso eh.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown