Chapter 19.2: I'm sick.

39 0 0
                                    

¨Josh? Sinong nasa pinto?¨ I asked him.

¨Malamang ako at yung bisita!¨ kahit kailan pilosopo ang isang ito. Kung wala lang akong lagnat baka nag-teleport na ako sa tabi niya at binatukan siya. Kaasar eh.

¨Eh sino nga yung bisita?¨ hindi siya sumagot, instead, lumapit siya sa akin kasama na si Bryan.

Si Bryan? Anong ginagawa niya dito? Diba may klase pa?

Mula sa pagkakahiga ko, napaupo ako ng maayos.

¨Sino ba ito? Kanina ko pa tinatanong pangalan niya, hindi siya sumasagot. Kilala mo? Pipi?¨ pang-asar na tanong ni Josh. Gago talaga.

Tinignan ko naman si Bryan, masama ang tingin. Oh? Ano nanaman problema niya? Siya yung pupunta punta dito tapos siya yung ganyan? Hello!?

¨Shunga ka eh noh? Eh kung hindi sumasagot bakit mo pinapasok? Paano pala kung hindi ko siya kilala?¨ mahinahong naiinis na sabi ko sakanya.

Pinapainit ang ulo eh.

¨Siya si Bryan, bestfriend ko. Iwan niyo muna kami, doon muna kayo sa kusina.¨ pagtataboy ko sakanila.

¨Ehhh bestfriend lang pala eh.¨ pahabol pa ni Josh bago lumayo.

Oo, bestfriend lang.

¨May klase pa diba?¨ tanong ko kay Bryan nung humiga ulit ako sa sofa.

¨Bakit di mo sinabi na may sakit ka? Sa iba ko pa malalaman.¨ Wow! Ang galing niyang sumagot ng tanong.

¨Bryan, kung aawayin mo nanaman ako ngayon, pwede bukas nalang? Masakit ulo ko.¨ I heard him sighed at naramdaman kong umupo siya sa ulunan ko.

Hinawakan niya rin yung noo ko. Sa ginawa niyang yun, feeling ko maiiyak ako. So bati na kami?

¨Ayos ka na ba?¨ aba! Kasasabi ko lang na masakit ang ulo, yan ang itatanong niya sa akin?

¨No.¨ 

¨Saan sila Tita? Bakit sino yung mga kasama mo? Tatlong lalaki pa talaga?¨ mahinahon niyang saad. Pero feel ko na parang naiinis siya. Sus.

¨Nagtrabaho sila Mama, big girl na daw ako. Eh yang mga yan, kampon ni Lester, pinadala sila dito para alagaan ako, since may klase pa si Les.¨

¨And you trust them?¨ he said.

¨Yah, maybe. Sila nga pala yung new friends ko na sinasabi ko. Si Josh, yung sumalubong sayo kanina, si Cody yung pinakamaliit sa kanila, tapos yung isa si Migz.¨ pagpapakilala ko kahit na nakahiga ako at nakapikit.

¨Yeah? Hindi ko naman tinanong kung anong mga pangalan nila.¨ suplado mode nanaman. Hindi ko na siya sinumbatan pa kasi nahuhulog na yung mga mata ko, gusto ko ng matulog.

¨Tsaka, bakit dito ka nakahiga sa sofa? Are you crazy? Paano ka gagaling?¨ hayyy siguro pwede ng maging second tatay ko ang isang ito. 

Napadilat ako ng mga mata kasi bigla akong binuhat ni Bryan, princess-like.

¨H-hoy! Ano sa tingin mong ginagawa mo?¨ napiyok pa akong sumigaw.

¨Dadalhin ka sa itaas, sa kwarto mo para makapagpahinga ka ng maayos.¨ sabi niya. Waaaah, I became speechless.

¨Oy pare! Saan mo yan dadalhin?¨ gulat na tanong ni Migz.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon