Bryan's POV
May kung sino ang lumitaw sa stage na tumabi kay Mommy, Jayden ba yun?
¨Hoy! Sino yun? May kapatid ka?¨ nabigla rin si Ynna sa inannounce si Mommy. Kung nabigla sya, ako ba hindi?
¨Aba malay ko! Shit! What's happening?¨" lahat na nagbubulong bulungan sa sinabi ni Mommy.
New CEO? Son? Ako lang naman ang anak niya diba?
Nakita kong tumaas din si Dad sa stage, ¨This celebration is also for my retirement and the succession of my eldest son to our business.¨
Lalong lumakas ang mga buloung-bulungan. His what? Eldest son?
¨B-bryan?¨ hinawakan ako ni Ynna sa balikat.
Tsk. Ang sabihin nila, ang celebration na ito ay hindi talaga para sa akin, kasi mainly, it was for them. For their business, and that Jayden who ever he is. This is just bullshit.
Akala ko uwuwi sila para sa akin, but it's a big NO! Shit!
¨May I ask Bryan to share the stage with us?¨ I clenched my fist. Is he joking?
Napangiti ako ng mapait as I went up on the stage. Inagaw ko yung mic mula kay Dad, ¨Well yeah, happy birthday to me. Surprise niyo ba ito para sa akin? Well, then, I am really surprised.¨ binagsak ko yung mic at tumunog ito na masakit sa tenga.
Madali akong bumaba sa stage, una kong nakita si Ynna, hinatak ko siya palabas. Gusto kong umalis dito, shit.
- - -
Lia's POV
May kapatid pala si Bryan? Hindi niya kasi nabanggit sa akin eh.
Nilapitan ko si Ynna, ¨Ynna, bakit nagbubulong bulungan ang mga tao? Ngayon lang ba nila nakita yung kapatid ni Bryan?¨ pero hindi siya sumagot.
Nakatitig lang siya kay Bryan na paakyat ng stage. Ano bang meron?
¨Well yeah, happy birthday to me. Surprise niyo ba ito para sa akin? Well, then, I am really surprised.¨ sabi ni Bryan sa stage. What? So it means na-surprise siya sa announcement ng Mommy niya.
Ha? Wait! Parang ang gulo.
Sasalubungin ko sana siya nung pababa siya ng stage pero hindi niya ako napansin, instead, hinatak niya si Ynna palayo.
Masakit. Hindi ba dapat ako yung hinatak niya kasi ako ang girlfriend niya? Napangiti ako.
I knew it.
I like Bryan. I really like him. Sobrang saya ko nga nung sabi niyang manliligaw siya. At first, nagkunwari akong hindi siya kilala, kunwari hindi ako interesado sakanya. Pero ang totoo, patay na patay ako sakanya.
Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip na sagutin siya matapos ang ilang weeks ng panliligaw.
Nung sinagot ko siya? Yung expression ng mukha niya parang hindi ganun kasaya, pero hinayaan ko na, baka pagod lang siya nun.
¨Bryan..¨ mahina kong sabi sa sarili ko habang kitang kita ko na hawak niya si Ynna sa kamay at hinihila siya palayo.
Simula nung nanliligaw siya, puro si Ynna nalang ang kinukwento niya. Puro experiences nila.. Naisip ko nga, sobrang idol niya ang bestfriend niya. Habang tumatagal ganun parin, kwento siya ng kwento tungkol kay Ynna, makikita sa mga mata niya na masaya siya.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown