¨Ms. Gaspar? Absent ba ang si Mr. De Leon?¨ bungad sa akin ng teacher namin na nagchecheck ng attendance..
As usual, absent nanaman si Bryan. Lagi nalang siyang hindi pumapasok since the gym-moment. He's really, really, really acting weird.
¨Aba't dalawang araw na siyang hindi pumapasok ha? May sakit ba siya?¨ nagaalalang tanong sa akin ni Ma'am Domingo.
¨Hindi ko po alam eh.¨ diba sabi ni Bryan na wag akong makialam? Sinusunod ko lang siya. Kung mataas ang pride niya, tsk! Mas mataas ang akin.
Hindi ko na rin inalam kung bakit siya umaabsent, hindi ko siya pinupuntahan sa bahay nila para kamustahin siya, kahit na kating kati akong makita siya. This is pride.
¨Since Grade 12 na kayo, graduating na, sa wakas.¨ nakangiting sabi ni Ma'am. Eh ano ngayon? Mukhang hindi naman magiging masaya ang graduation ko.
¨You're having your retreat this coming weekend, isn't amaziiiing?!¨
¨NOOOOOO!!¨ sagot ng mga kaklase ko, pero may ilan na nag-OO.
¨Ma'am, anong klaseng retreat yan?¨ tanong ng ni Liam.
¨It's a camping type of retreat, mga anak! Hindi ba masaya?!¨ ang lawak ng ngiti.
Camping? =____=
Never in my entire life kong na-experience yan.
¨So can you please distribute this wavers para mapirmahan ng mga parents niyo.¨
Inabot ko naman yun nang may sinabi si Ma'am, ¨Ms. Gaspar, kuha ka na rin para kay Mr. De Leon, magkapitbahay kayo diba?¨
Really? Bakit ang daming alam ni Ma'am?
- - -
¨HOY YNNA!¨ napahinto ako sa paglalakad kasi sumakit yung tenga ko sa malakas na sigaw ng kung sino. =____=
¨Sasama ka sa retreat!!?¨ si Rachel lang pala. Bakit parang excited siya masyado?
¨Depende kung payagan ako nila Papa.¨ sa totoo lang parang gusto ko na ayaw, ewan ko, di ko sure.
¨Psh! Basta sumama ka ha? Masaya ang camping, promise!¨ tapos pinalo niya yung likod ko saka umalis.
Tignan mo yung babaeng yun, bigla biglang susulpot, tapos bigla bigla din mawawala. =___=
Makauwi na nga lang, haiyst! Ang boring talaga ng buhay kapag wala si... ay este.. pag wala si.. ay peste! Wala.
¨PA! MA! Pirmahan niyo tong waver kung payag kayo.¨ sigaw ko pagkapasok ko sa bahay at nilapag yung papel sa may dining table.
¨Ano ito?¨ tanong ni Mama.
¨Para daw sa retreat, camping daw po this weekend.¨ sabay inom ko ng tubig.
¨AHHHHHHHHH! CAMPING DAW! Masaya ito anak, ay naku, pirmahan ko na ha? Mag-eenjoy ka dun promise. Teka...¨ muntik ko ng ibuga yung tubig sa reaksyon si Mama. Really?
¨Ayan, napirmahan na! Teka, teka. Lalabas muna ako, mag-grogrocery ako ng mga baon mo anak.¨ tapos with the speed of light, nakalabas na si Mama.
=_____=
¨Hay naku, ang Mama mo talaga, basta camping." sumulpot naman si Papa sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown