Ynna's POV
¨Minamaliit mo ba ako?¨ poker face na tanong ni Bryan kay Josh.
Eto naman kasing si Josh kung ano ano ang pinagsasabi, manghamon ba naman sa badtrip na tao?
¨Heh! Bakit feel mo ba?¨ sabat naman ni Josh tapos nagtitigan naman silang dalawa. Seriously? Bakit parang hindi magka-vibes ang dalawang ito?
Pumagitna nalang ako, ¨Hoy! Anong nangyayari?¨ tinignan ko si Josh, tinuro naman niya si Bryan gamit ang nguso niya. Tsk!
¨Yan kasing bestfriend mo, ang angas.¨ sabi ni Migz.
Hay naku Migz, hindi lang yan ma-angas, mahangin pa kumbaga. =___=
¨Kung pumayag lang din ako sa hamon niyo, mabibilib lang kayo sa akin.¨ - Bryan. See what I mean?
Nagtawanan naman sila Migz at Josh.
¨Bakit? Marunong ka bang kumanta? Baka taob ka lang pag kumanta na si Lester.¨ mayabang na sabi ni Josh.
Nagpaisip ako. Yah, Oo nga, maganda ang boses ni Les. At ang alam ko, maganda rin naman ang boses ni Bryan, pero di ko na siya naririnig na kumanta ngayon.
Eh diba nga sabi ko, pangarap niyang magka-banda dati? Pero dahil mas gusto niyang maglaro ng basketball, yun ang pinili niya.
¨Oh yeah? Nagbreakfast ka na ba? Baka kasi mabusog ka lang mamaya pag nakain mo na yang mga pinagsasabi mo.¨ naglakad si Bryan palapit kay Josh.
=_____=
Ano ba talagang problema ng dalawang ito.
¨Ok. It's on.¨ tapos nagtalikuran sila.
Tumabi sa akin si Bryan, habang yung mismong banda eh nagsamasama. Ano ito? 1 vs. 4?
¨Hoy Ynna, anong kakantahin ko?¨
¨Aba malay ko sayo! Bahay kubo?¨ sarcastic kong sabi pero natatawa ako sa itsura niya.
Kung kanina eh ang angas niyang tignan, ngayon para siyang natatae. Kinakabahan siguro tong gago. Heng Heng!!
¨Hoy Josh! Ano ba ito? Kayong apat laban kay Bryan?¨ sigaw ko, nasa kabilang dulo kasi sila, naguusap usap.
Akala mo naman boxing ang magaganap. =___=
¨Hindi, si Lester lang! Kami bahala sa instruments¨ sigaw niya pabalik. Astig.
So in short, Bryan vs. Lester?
30 minutes na ang lumipas, naghahanda pa ata sila. Ang OA noh? Ako naman nandito lang sa sulok, naglalaro sa phone, habang katabi ko si Bryan na nakikinig sa iPod niya ng kakantahin niya.
*Knock Knock Knock*
Nagtinginan kaming lahat, sino kaya yung kumatok? Since ako naman ang malapit sa may pintuan, ako na ang nagbukas.
¨HI!!!!! Oh, Ynna nandito ka rin pala.¨ -- si Lia. Anong ginagawa niya dito?
¨Onga eh.¨ tapos pumasok na siya bigla, sinagi niya pa yung balikat ko. Tsk, nice!
Naiwan akong mag-isa dito sa may pintuan.
¨OY yoy yoy! Lia! Long time no see!¨ bati nila Clyde sakanya.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown