Ynna's POV
Kawawang Bryan. Lumabas ako ng bahay at tumambay sa harap ng gate nila Bryan. Hayyy, for sure walk-out ang peg ng isang yun, aabangan ko nalang siya dito.
"Hayyy, sana naman maayos nila ang problema nilang pamilya." sabi ko sa sarili ko habang nakaupo ako dito sa kalsada.
May nakita naman akong bato,nilaro ko ito. Ginamit yung bato para magsulat sa kalsada.
BRYAN corny ko kaya binura ko nalang agad.
"Uhhm, miss are you okay?" napa-angat ako sa taong kumausap sa akin.
Napatayo naman ako bigla nang mamukhaan ko kung sino ito, yung possibleng kuya ni Bryan. Jayden ba yun? Tama ba?
Teka, Pilipino ba ito? Parang foreigner.
"You're Bryan's brother, right?" tinanong ko siya agad. Tapos na-awkward naman ata siya. Kakahiya. =___=
"Ermm, I guess. And you are?" this time nakangiti siya sa akin.
"I'm Ynna, Bryan's bestfriend." lumawak naman lalo yung ngiti niya.
"Bestfriend? Woah. Nice!" nagngitian lang kami. AWKWARD!
"And would you mind if I ask you, what are you doing here sitting on the ground?" nagtatakang tanong niya. Teka, nagtatagalog ba itong isang ito?
"I was just waiting for Bryan in case of emergency." ----> walang kwentang sagot. Paano naman kasi, feeling ko manonosebleed ako ng wala sa oras.
"Emergency? You mean Bryan's inside?!" excited niyang tanong. Para bang sabik siya nang malaman niyang nasa loob si Bryan.
"Uh yeah," sagot ko naman tapos bigla siyang naglakad para buksan yung gate at papasok na sana pero napatigil siya at tumingin sa akin.
"Why don't you come in?" alok niya sa akin.
"Uh, no, no need. I'm good, go ahead." sabi ko sakanya.
Ngumiti naman siya ulit sa akin, "Okay then, nice meeting you Ynna." saka siya tuluyang pumasok sa pamamahay nila.
Actually, I find him nice. Ang gwapo niya nga eh, sus!
"Sana mag-usap sila ni Bryan. Taas naman kasi ng pride nung isa. Tsk!" kinakausap ko nanaman yung sarili ko.
Umupo nanaman ako sa kalsada at ipinagpatuloy ang pagmumuni muni. Is everything okay? Nag-aalala ako para kay Bryan.
Nasira ang birthday niya kahapon dahil dito. Hayyyy. Poor him.
"Oh, anong ginagawa mo jan?" nang marinig ko ang boses ni Bryan, napatayo ako bigla at nilapitan siya.
Sabi na nga ba't magwawalk-out ang isang ito, at alam kong hindi siya okay kaya sinabi ko sakanya na ililibre ko siya ng ice cream.
Pero tumanggi lang siya, at pumasok sa bahay namin. At walang hiyang humiga sa sofa.
"Tsk! Sige na nga, game. Ilabas mo sa akin lahat ng nararamdaman mo." sabi ko sakanya. Alam ko namang mabigat ang loob niya ngayon.
And as his bestfriend, kailangan ko siyang i-comfort.
"Lahat?" bumangon naman siya sa pagkakahiga.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown