Chapter 22: Sweet?

37 0 0
                                    

Ynna' s POV

¨Hoy, uwi na tayo. Mukha tayong tanga ditong naka-formal attire. Tsaka hello? Naka-gown lang ako, malamig.¨ pagrereklamo ko.

Ilang oras na ba kami ni Bryan dito? Kailangan daw niya kasing mag-isip kung anong mga possibilities na sabihin sakanya ng mga magulang niya.

¨Ang ingay mo naman eh.¨ tumayo siya at hinubad ang coat niya. Pinatong niya ito sa likod ko.

¨Oh ayan, mainit na kasi hot yung may-ari ng coat na yan¨ ngumiti siya. Ayos na ba siya?

¨So balik ka na sa dati? Kaya pala malamig eh, ang hangin mo.¨  pinalo ko siya.

Nakatayo parin siya sa harap ko.

¨Tara na at mag-wander around hanggang malaman nating ang daan pauwi.¨ nilahad niya kamay niya. Heng!

¨Eh bakit naman kasi tayo napadpad dito, hindi mo pala alam ang daan pauwi , kaasar.¨ inabot ko yung kamay niya. Hinila niya ako patayo galing sa swing. Argh, sakit talaga ng pwet ko.

Akala ko bibitawan na niya ako pero hawak pa din niya kamay ko.

¨Eh ayaw mo yun? Mag-aadventure tayo.¨ naglalakad kami sa kalsadang madilim, hawak niya parin kamay ko.

Bakit hindi niya binibitawan? Shit. Kinikilig ako.

¨Mag-aadventure? Anong oras na? Gabing-gabing gabing gabi na oy!¨ ayaw ko naman bumitaw sa paghawak niya. I know, I like, no, I love this feeling.

¨Alam mo, ang ingay mo.¨ cool niyang sabi. ABA!

¨Alam ko.¨ cool ko ding sabi.

¨Hanggang ngayon ba pasmado ka pa rin? Eww.¨ sabi niya. Talaga lang ha?

¨Eh sino ba kasing nasabing hawakan mo kamay ko? Makapag-eww ka jan. Ang arte mo ha? Bitawan mo na nga ako.¨ 

¨Tsk. Ayaw ko, kahit pasmado ka, ayaw kitang bitawan. Kasi right now, you're the only one I can hold onto.¨ Ansabe? ansabe? Ok. Ako na talaga ang kinikilig.

¨Tigil tigilan mo ako sa mga banat mo.¨ tinatago ko ang kilig, baka mabisto.

¨Ynna, seryoso ako. Yung pamilya ko? Si Mommy, si Dad? Asan sila nung mga oras na kailangan ko sila? Ngayon na umuwi sila, akala ko para sa akin. Yun pala, para i-announce na may anak silang iba.¨ 

Ayan nanaman ang himagsik ng kanyang galit.

¨Oo nga! Ano ba naman kasi sina Tito at Tita, bigla nalang may ipapakilalang gwapo!¨ sinabayan ko siya pero may tonong pang-inis.

¨Gwapo?¨

¨Ang gwapo kaya nung lalaki kanina. Di mo nakita?¨

¨Ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Ynna, pwede ba? Ako lang ang gwapo.¨ natawa naman ako.

Tapos may na-realize ako, para kaming newly-wed na naglalakad sa gitna ng kalsada na magkahawak ang kamay.

¨Bakit ka nakangiti?¨ uh-oh! Napansin niya ang matamis kong ngiti.

¨Eh, gutom na kasi ako.¨ kanina pa kami lakad ng lakad kahit isang store lang sana ang madaanan, wala! Ahuhu

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon