Bryan's POV
What I'm feeling right now?
Hell I am so pissed dahil sa bangayan namin ni Ynna kagabi.
Ano bang problema niya? Pwede naman niyang diretsong sabihin na hindi na niya ako kailangan..
ang dami pa niyang dada.
"Bryan, ready na yung breakfast mo" sabi ng isa sa nga katulong dito sa bahay
"Ah sige po Manang. Baba na po ako mamaya maya."
Hayyy, isa nanamang araw na walang excitement.
"Bryan, tumawag pala yung Mommy mo, pauwi na daw sila para bukas." pag-inform sa akin ni Manang Dea.
Nasabi ko na ba na wala ang mga magulang ko sa tabi ko? Nasa states sila para sa businesses nila.
Tsaka uuwi sila kasi birthday ko bukas.
Nakakainis nga eh, ayaw ko naman kasing magparty eh. Ang dami nilang alam, psh!
"Ah nga pala po Manang, wala po ba kayong nakitang shirt? Yung birthday shirt ko po?" kagabi ko pa kasi yun hinahanap eh.
¨Anong birthday shirt?¨
¨Yung shirt ko po na lagi kong sinusuot tuwing birthday ko?¨
¨Ah yung pink na may uod na design?¨ uod? Si Patrick Star kaya yun.
¨Opo?¨
¨Yung kaparehas nung kay Miss Ynna? Yung lagi niyong sinusuot sa tuwing magbibirthday kayong dalawa?¨ Tsk! Ang daming satsat ni Manang, pwede naman siyang sumagot lang kung nakita niya o hindi.
And yeah, usapan namin ni Ynna na magkaroon ng birthday shirt. Yung parehas kaming dalawa? Simula bata palang kami, siyempre nung lumaki kami, bumili kami ng bago.
Patrick Star ako at siya naman kay Spongebob. Bobo daw kasi si Patrick kaya ako nalang siya. +__+
Weird ba namin? Parang ritual na rin ito sa amin.
Kahit tignan niyo sa mga pictures namin ng mga birthdays, lagi kaming parang naka-couple shirt.
Kahit naman hindi kami magkasundo ngayon, pinahahalagahan ko parin yung nakasanayan namin.
¨Ah baka nasa labahan pa, baka hindi nasama nung naglaba ako dati.¨ nasa labahan? Wow! Eh last year ko pa yun huling ginamit.
¨Pakihanap nalang po at pakilabhan. Salamat po.¨ magalang kong pakiusap.
Mahal na mahal ko mga katulong namin dito, sila na kasi halos ang nagpalaki sa akin.
After kong nag-umagahan, lumabas na ako ng bahay at papasok na akong school. Susunduin ko sana si Ynna sa bahay nila, pero bad vibes pa kami.
Bahala siya.
- - -
¨Oh Bryan! Nakita mo si Ynna? Nasa kanya kasi yung report namin ngayon eh.¨ tanong sa akin nung kaklase namin.
Yun nga eh, bakit wala pa si Ynna? Hindi naman yun nalelate ha? Malapit ng mag-bell.
¨Hindi eh.¨ walang emosyon kong sagot. Lumayo naman na siya pagkasabi ko nun.
Tsk. Saan na ba yun babaeng yun?
¨Bryan! Si Ynna? Yung assignment ko kasi nasa kanya.¨ napalingon naman ako sa isa ko pang kaklase.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown