Chapter 15: Importante.

41 2 0
                                    

The first step in love is crying. Just make sure the one you cry over, is willing to shed some tears for you.

- - -

"Bakit ka umiiyak, Ynna?" iniangat ko ang tingin ko sakanya, kay Bryan. Bakit niya ako sinundan?

Nakakahiya ka Ynna! Ano na ngayon ang sasabihin mo?

Lumuhod siya para mapantayan niya ako, kitang kita sa mukha niya na nag-aalala talaga siya.

"Ha? Nadapa kasi ako. Masakit." palusot ko, pero tumaas lang ang kilay niya.

Nadapa ako kaya nahulog ako sayo, ngayon nasasaktan ako.

"Ynna? Tingin mo bulag ako? Kanina pa ako nakasunod sayo, hindi naman kita nakitang nadapa." kalmadong sabi niya.

Hindi mo talaga makikita kasi sa iba ka nakatingin.

AYAN! Kanina pa pala niya ako sinusundan, nakakahiya.

"Tell me, what's wrong?" tanong niya na puno ng pag-aalala, "May masakit ba?" tuloy niya.

Hindi ako makasagot kaya tumayo nalang ako. "Uwi na tayo." sabi ko habang pinupunasan ang mga natirang luha. Tumayo na din siya at hinawakan ako sa braso.

"May problema ba?" pagtatanong niya ulit.

"Wala ngaaaa." parang bata kong sagot.

"I know you, ano? Sabihin mo sa akin." pagpipilit niya.

Nagtitigan lang kami ng matagal, feeling ko maluluha nanaman ako.

"Ynna?" humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Fine! Umiyak ako." yan lang ang sinabi ko na mas nagpakunot ng noo niya

"Alam ko, I saw that! Pero bakit ka umiyak? Ha? Alam mo naman na ayaw kitang nakikitang umiiyak diba?" medyo naiinis niyang sabi.

"Tears of joy?" patanong kong sagot na nakangiti ng mapait.

"Joy?! C'mon! Kung tears of joy yun eh di sana may kasamang patalon talon, pero wala eh. Nakaupo ka jan sa daan na parang tanga." nagagalit na ba siya? Bakit ganyan ang tono niya?

"Tanga?" nakangiting tanong ko. Oo alam kong tanga ako, hindi mo na kailangan pang ipamukha.

Hindi siya nagsalita, Gusto kong umiyak. Bigla ko siyang niyakap, naramdaman ko naman na nagulat siya.

"HOY CHANSING!" sigaw niya, pero niyakap naman niya ako pabalik.

Walang bumitaw sa yakap.

"Alam mo kung bakit ako umiyak?"

"No. Kaya nga kita tinatanong diba?" pilosopong sagot niya. =___=

"Kasi may girlfriend ka na."

Hindi siya kumibo.

"Ang pinaka-una mong girlfriend. Iniisip ko, for sure mawawalan ka na ng time para sa akin. Mamimiss ka nila Papa kasi siguro hindi ka na makakabisita pa sa bahay. Hindi na ako makakalapit basta basta sayo kasi baka magselos si Lia, mas maganda kasi ako..."

tuloy tuloy kong sabi habang nakayakap sakanya.

"Ynna.."

"Dibale, hindi ko naman kayo gagambalahin eh. Pinamimigay mo na nga ako kay Lester para siya na ang magbabantay sa batang katulad ko, para di ka na mag-alala." bumitaw ako sa pagkakayakap at humarap ako sakanya na nakangiti.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon