Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos ng drama ko sa kwarto ko. Corny din ng mga pinagsasabi ko nung time na yun ano? Pero, galing sa puso.
¨Bakit nanaman ba nakatunganga ka jan?¨ May iniabot sa akin si Rachel na maiinom.
¨Anong nakatunganga ka jan? Hindi noh.¨ Walang ganang sabi ko at ininom nalang ang bigay niya.
¨Alam mo, kung namimiss mo na ang mahal mong bestfriend, lapitan mo kasi.¨ simpleng sabi niya.
Oo pala. These days, madalang nalang kaming magsama ni Bryan. Siyempre, busy siya sa panliligaw kay Lia. He's doing his best to win her heart.
Kaya ngayon, si Rachel na muna ang lagi kong kasama. Hindi naman siya rebound.
¨Hayys. Ayoko silang istorbohin o pakialaman. Bestfriend niya lang ako. Dibale, kapag kailangan naman niya ako, siya mismo ang lalapit.¨ Totoo naman eh, nakikita lang niya ako pag may kailangan siya.
¨Bahala ka. Napakamartir mong babae ka.¨ I just smiled at her.
¨Sige na, mauna na ako. May klase pa.¨ Tumayo na ako at iniwan si Rachel.
Habang naglalakad akong nakayuko, may biglang humarang sa akin.
¨Hi Bestfriend! ^___^¨ tinignan ko siya. Bestfriend? Kailan ko pa siya naging bestfriend?
¨Oh Lia, ikaw pala.¨ Kapal ng mukha mong tawagin akong bestfriend.
For your information, si Bryan lang ang bestfriend ko.
¨Yes, ako nga. Ngayon lang ata ulit kita nakita ah?¨ Eh bakit ba kasi ako magpapakita sayo?
Ang plastic ko.
¨Ha-ha! Bakit miss mo ba ako?¨ pagbibiro ko na nakakadiring sabihin.
¨Hindi naman. Haha, pero parang ganun na nga. Lagi ka kasing kinukwento sa akin ni Bryan eh, feeling ko tuloy naging close tayo.¨ HA? Anong connect nun?
At ako? Kinukwento ako ni Bryan sa babaeng ito nang walang pahintulot? Nak ng!
¨Ganun ba? Baka naman kung ano ano yan ah!¨ Kunyari interesado ako.
¨Naku! Hindi naman. Ang cool mo nga eh.¨ Cool? Tsk!
¨Salamat. Ah, sige, mauna na ako. May klase pa ako eh.¨ sabi ko, kahit maaga pa naman. Ayoko lang na masyado siyang kausap.
¨Sigee, babye bestfriend. Pasabi kay Bryan, hi.¨ Kumakaway siya. Tsk! You're not that cute.
At hindi porket nililigawan ka ng bestfriend ko eh bestfriend mo na din ako.
¨Ynna bestfriend!¨ salubong sa akin ni Bryan pagkapasok ko ng classroom.
Umupo ako sa tabi niya, total siya naman lagi ang seatmate ko.
¨Anong kailangan mo?¨ tanong ko sakanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sakanya. Really?!
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Ficção Adolescente¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown