Bryan's POV
¨At kasama ka namin, Bryan.¨ sabi ni Dad.
¨WHAT!!!?¨ napatayo ako. Bakit bigla bigla silang magbibiro ng ganyan?
¨You're kidding right?! Well, stop it.¨ seryoso kong sabi.
Nagpapatawa lang naman sila eh, alam ko. Lakas ng trip e. Korni.
¨Seryoso kami Bryan. You'll continue your studies there.¨ sabi ni Mommy. At pag siya na ang nagsabi, talagang seryoso na.
¨Well, you can't decide for me! I'll stay here. Ayaw kong sumama sainyo.¨
¨It has been decided, there's nothing you can do about it.¨ sabi ni Mommy. Seryoso, nanay ko ba talaga ito? Kung itrato niya ako parang hindi eh. She's more like a witch.
¨Hindi mo kontrolado ang buhay ko, tandaan mo yan.¨ sabat ko. Oo alam ko bastos, pero napupuno na ako eh.
Minsan na nga sila umuwi dito, guguluhin pa ang buhay ko. Nyemas!
Napatayo naman si Mommy, ¨Ynna, iha, sorry pero, pwede bang umuwi nalang muna kayo ng parents mo? Sorry, pero kailangan naming mag-usap ng magaling kong anak.¨ sabi niya kay Ynna.
Eto namang bestfriend ko, halatang natakot at tumayo, pati na rin sila Tita at Tito.
¨Ah sige po, mauna na po kami.¨ pagpapaalam ni Ynna. Tumingin siya sa akin na parang may gustong iparating pero hindi ko nagets.
Nang makaalis sila Ynna, nakatanggap ako ng malakas na sampal galing sa nanay ko. Cool!
¨BAKIT BA GANYAN KA?! HINDI MO NA KAMI GINALANG!!¨ sigaw sa akin, pinigilan naman ni Dad at ni Jayden si Mommy.
Hindi ako sumagot.
¨ANO BANG PINAGLALABAN MO?!¨ ano nga ba? ANO!?
¨Ano bang pinaglalaban ng isang anak na matagal hindi nakasama ang mga magulang?¨ sarcastic kong sabi. Napatigil naman si Mommy.
¨Tapos malalaman kong may kapatid pala ako? Tsk! Tapos ngayon gusto niyo akong isama sa States? Kayo ba? Anong pinaglalaban niyo?¨
Hindi ko inaasahan pero may biglang lumapit sa akin at niyakap ako. Si Jayden.
¨Hoy ano ba! Bitawan mo ako.¨ habang kinakalas ko ang yakap niya sa akin. Ano siya? Bading!?
¨You don't know anything, so stop." mahinahong sabi niya.Tinulak ko naman siya ng malakas.
¨Huwag kang makialam.¨ cold na sabi ko sakanya.
¨Bryan ano ba! Kapatid mo yan, for petesake, may pakialam talaga siya!¨ sabi ni Dad. So now he's angry?
¨Oh yeah? Wala akong kapatid.¨ sabi ko .
Nagtitigan kaming lahat. Nakakainis! Bakit ba kailangan maging ganito? Sana pala hindi ko nalang hiniling na umuwi pa sila dito kung alam kong magiging ganito kagulo.
¨Jayden, will you go to your room first?¨ mahinahon na utos ni Dad.
Yung uto uto naman sumunod, tss. So mabait siya? Asa.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Fiksi Remaja¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown