Ynna's POV
Nandito ako sa labas ng classroom nila Lester, hinihintay ko siyang lumabas. I think kailangan ko na talaga siyang kausapin, lalo na't narinig niya ang lahat.
Kanina pa ako naghihintay dito, ang tagal naman ata nilang palabasin?
Pero kinakabahan ako, ano kayang sasabihin ko? Paano ka sasabihin? Paano kung mainis siya at bigla niya akong hampasin ng gitara? Harjusko! Wag naman sana.
¨Bakit ang tagal?¨ hindi pa man din ako patient na tao. =____=
Napansin ko namang nagsilabasan na sila, finally. Pero kahit anino ni Lester hindi ko makita.
¨Excuse me, miss? Si Lester nasa loob ba?¨ tanong ko sa babaeng huling lumabas.
¨Ah si Lester ba? Hindi siya pumasok eh.¨ sagot niya.
¨Ganun ba? Sige, thank you.¨ tapos umalis na siya.
Hindi siya pumasok? Naghintay ako sa wala? Saan naman kaya yun?
Hayy, it's all my fault.
¨HUY! Bakit ka nagdradrama jan?¨ biglang may pumalo sa likod ko. Si Rachel lang pala. Bruha talaga! =___=
¨Racheeeel .. ahuhuhu¨ niyakap ko siya. Siya lang naman ang pwede kong pagkwentuhan ngayon eh.
¨Hala! Ang OA? Bakit? Anong meron?¨ tanong niya.
¨Galit sa akin si Lester, he knows everything.¨ imbes na damayan niya ako binatukan niya ako ng malakas tsaka hinila kung saan.
- - -
¨Hay naku friend! Diba sabi ko sayo nung una palang na ikaw ang magiging responsible sa magiging outcome? Tanga ka din kasi eh.¨ si Rachel sinesermonan ako, ako hindi masyadong maka-concentrate.
Paano naman kasi, dinala niya ako dito sa Janitor's Room. Naamoy ko tuloy yung dusts na nanggagaling sa mga cleaning materials.
¨Alam mo naman na simula't sapul, hindi naman magseselos si Bryan jan sa plano mo diba? Ikaw lang itong NAG-ASSUME! At nandamay ka pa ng iba, ayan tuloy, NAG-ASSUME din si Lester!¨
Kahit anong sabihin ni Rachel, lagi siyang may point! Kaya hindi ako manalo-nalo sakanya eh. Kasi lahat ng sermon niya, tama.
¨So ano ng gagawin mo ngayon?¨ tanong niya.
¨I wanted to talk to Lester, pero hindi ko siya mahagilap.¨
¨Antanga mo kasi!¨ sabay batok niya sa akin.
Rachel is an example of a true friend, seriously.
¨Basta Ynna, tandaan mo, ikaw lang ang may kayang ayusin ang gulong binigay mo kay Lester. Hindi kita matutulungan, pasensya, pero kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako.¨ sabi niya.
Yayakapin ko sana siya pero batok nanaman ang naabot ko. T___T
¨TSAKA PWEDE BA!? YNNA! Bakit hindi mo nalang subukan magpakatotoo para walang madamay na iba? Bakit hindi mo nalang sabihin kay Bryan ang nararamdaman mo? GOSH! Para kang sira!¨ tapos binatukan nanaman niya ako.
¨Diba sabi ko ayaw kong mawala ang friendship namin?¨
¨Eh bakit ba pinapangunahan mo ang mga mangyayari? Paano mo nasisiguro ha?! Ni hindi mo pa nga nasubukan na umamin sakanya tapos yan na ang conclusion mo?! C'MON! Ynna, wag kang pangunahan ng takot! Be strong, be heard and be proud!¨ sabi niya sa akin habang pinapalo niya ang likod ko.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown