Chapter 17: Move

34 0 0
                                    

Bryan's POV

¨Oh eto, kinuha ko sa bahay para sayo. Inumin mo na.¨ nakangiting sabi sa akin ni Lia habang iniaabot niya yung boteng alam ko na kung ano.

Organic Juice.

Simula nang niligawan ko si Lia, hindi na ako masyadong nakakainom ng matitinong inumin tulad ng mga softdrinks, lalo pa kaya ngayon na kami na? =___=

¨Ayun naman oh! Salamat Lia!¨ kinuha ko naman at ininom. Wale eh! Hindi ako makatanggi.

Ayaw ko naman kasing magreklamo, baka masaktan siya.

¨So ano? How is it?¨ excited na tanong sa akin ni Lia.

¨Masarap, siyempre!¨ pagsisinungaling ko. Pero actually, immune na ata ang panlasa ko sa mga pinapakain sa akin ni Lia kaya hindi na ako naapektuhan sa pait.

Tsaka, feeling ko naman lumalakas ako at nagiging healthy ako. Think POSITIVE!

¨Ah Bryan, kahit huwag mo na akong ihatid pauwi mamaya ha? Susunduin kasi ako ng kuya ko.¨ bigla naman niyang sabi. 

¨Oh okay, ingat ka ha?¨ nginitian lang niya ako ng matamis.

¨Sila Ynna yun diba?¨ may tinuro siya sa dulo ng canteen kaya nilingon ko ito.

Si Ynna kasama si Rachel at Lester.

¨Tara puntahan natin.¨ hinila ko si Lia palapit sa table nung tatlo.

Namimiss ko na ding asarin si Ynna eh. Kahit kaklase ko siya, iba parin yung nakakabonding ko siya. 

¨Pwedeng makiupo?¨ mabait kong tanong sakanila kaya napatingin sila sa amin ni Lia.

¨Pwede sa sahig.¨ sagot ni Rachel. Aba! Isa pa itong babaeng ito. Napaka----- pilosopo!

¨Bakit kayo nandito?¨ tinanong kami ni Ynna nung makaupo na kami sa tabi nila.

¨Aba! Canteen ito, Ynna, bawal bang pumunta dito?¨ pang-asar kong sagot, kinusilapan niya lang ako. Ayun eh! Namiss ko yung panget na kusilap.

Tinuloy nung tatlo yung pinag-uusapan nila kaya na OP kami dito ni Lia.

¨Oy Rachel, si Lester may kabandang mga gwapo!¨ pinalo ni Ynna si Rachel na parang kinikilig. Weird?

¨Sinong gwapo dun? Ako kaya ang pinakagwapo, ay este, ako lang ang gwapo.¨ pagmamayabang naman nung si Lester.

Ano ba yung pinaguusapan nila?

¨Sama ka sa amin mamaya, tatambay ulit ako sa studio nila eh.¨ pag-aya ni Ynna kay Rachel. Tatambay?

Ha? So ibig sabihin hindi siya umuuwi ng diretso? At sinong may kagagawan? Si Lester? Bad influence naman ata yung lalaking yun.

¨AY AY! BET KO YAN! SIGE! Hintayin niyo ako mamayang uwian!¨

¨Promise! Masaya silang kasama!¨

¨May mabingwit na kaya akong papable?¨ malanding tanong ni Rachel.

Saan ba sila pupunta?

¨Depende kung papatol sila sayo.¨ pang-asar na sabi ni Lester.

Teka, OP na talaga ako, kami ni Lia eh.

¨Anong pinaguusapan niyo?¨ sumingit na ako sa pag-uusap nila. Sabay sabay naman silang tumingin sa akin na nakataas ang kilay.

What now?

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon