Chapter 16: Band.

39 1 0
                                    

"Hindi ka pa uuwi? Di ulit ako makakasabay umuwi, hahatid ko si Lia. Ayos lang naman sayo diba?" agad na bungad sa akin ni Bryan pagkaalis nung teacher namin.

Ilang araw na din kaming hindi nagsasabay eh. Pero ano bang magagawa ko?

"Ah oo ayos lang, tsaka hinihintay ko pa si Lester eh, may pupuntahan kami." sagot ko naman sakanya. Tumango lang siya.

"Ah ganun ba? Ingat ka ha? Una na ako, baka hinihintay na ako ni Lia. Bye bespren!" pagpapaalam niya at tuluyan na siyang lumabas ng classroom.

Hay nako! Bahala ka. Ang tagal naman ni Lester? Sabi niya susunduin niya ako dito sa classroom, saan ba kasi kami pupunta?

"Oh Ynna? Di ka pa uuwi?" tanong sa akin ni Jelli na naka-ayos na.

"Ha? May hinintay pa ako eh, una ka na." nakangiting sabi ko.

"Sus! Si groom mo ba? Este si Lester?" nginitian ko lang siya. "Alam mo, bagay kayo." sabi naman niya saka siya nagpaalam.

Bagay? Bagay kami? Weh? Eh tao ako hayop siya eh. Hekhekhek! Naiwan na akong mag-isa dito, bakit ang tagal?!

"Heidi! Sorry, pumunta pa akong faculty eh." pumasok siya sa classroom at lumapit sa akin kaya tumayo na ako. "Ayos lang, tara na?" pag-aya ko sakanya.

Sabay naman na kaming lumabas ng school ng tahimik, mukhang pagod ang isang ito ah. Hindi kasi nagdadaldal. =___=

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad.

"Diba sabi ko sayo ipapakilala ko sayo ang banda ko?" napahinto ako sa paglalakad. O__O? May sinabi siya? Ang alam ko lang na sinabi niya eh may banda siya. O sadyang bingi ako pagdating sakanya?

"T-talaga?" ngiting pilit.

"Oo, tsaka mahalagang araw rin ito eh. Haha! Tara, walking distance lang namin mula sa school eh." Mahalagang araw? Ano ba ngayon?

At ano? Paglalakarin niya ako? Hanep! Galing eh noh, gusto niya akong mapagod.

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon. Uhmm.. isang studio, hindi naman kalakihan at hindi rin naman maliit. Sakto lang.

"Dito na?" tanong ko. Malapit pala sa inakala ko, talagang walking distance lang.

"Yup! Pasok na tayo." pinagbuksan niya ako ng pinto at bumungad sa amin ang tatlong nag-gwagwapuhang nilalang.

O____O! *o*?

"OH PARE! Chicks!?" tanong nung lalaking higante, ang tangkad tangkad eh.

Lumapit naman sakanya si Lester at binatukan. "Sira! Siya si Heidi, yung nililigawan ko." sabi niya.

"Owwwwwwwwwwwww~!" sabay sabay na sabi nung tatlo.

Ako? Nandito, nakatayo, awkward!!!

"Ah nga pala, sila yung mga kabanda ko," tinuro niya yung matangkad na agad bumungad kanina "Yan si Josh, ang kapreng in-charge sa bass" natawa naman ako dun sa kapre.

Sinamaan naman ng tingin ni Josh si Lester.

"Yung panget naman na yun, si Miguelito Jr.!, ang walang matang in-charge sa drums." tinuro niya yung lalaking nakangiti na biglang napasimangot.

Ganito pala si Lester dito? Mapanglait? Tsaka, di naman panget yung si Miguelito Jr., ang hot nga eh. Hehehe melende! Tsaka oo nga para siyang walang mata, singkit eh.

"Gago ka talaga Lester! Tch! Nice meeting you, Heidi! Migz nalang." bati sa akin nung Migz. Nabingi naman ako kasi tinawag niya akong Heidi, =___= ayos na sa akin na may isang tumatawag sa akin ng Heidi, ayaw ko ng dagdagan pa.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon