Bryan's POV
Shit!
Yan ang una kong naisip nang sabihin ni Lester na mahal niya si Ynna. Kinabahan talaga ako nung oras na yun. Aba gago yun ah, pabigla bigla.
¨Veggie ko, ahh kinikilig ako.¨ bulong sa akin ni Lia habang inaantay naming sumagot si Ynna.
Pero shit talaga, kinakabahan ako sa mga pangyayari.
¨L-L-Lester...¨ nagsalita si Ynna na lalong nagpakaba saakin, ano kayang sagot niya?
Shit. Tapos naramdaman kong hinawakan ni Lia yung kamay ko.
Bigla nalang tumayo si Ynna at tumakbo palabas. Pero ang weird, nung lumabas siya, gumaan yung pakiramdam ko.
¨Hala! Bakit!?¨ mukhang naguluhan pa si Lia.
Napatingin naman ako kay Lester na mukhang hindi makagalaw. Tsk! Sa isip ko, napangiti ako. Buti nalang hindi sumagot si Ynna.
Sa hindi malamang dahilan, tumayo na din ako para sundan si Ynna.
¨Bryan!¨ narinig kong tinawag ako ni Lia pero hindi ko nalang pinansin. Sorry.
At ngayon nga, nasa likuran ako ni Ynna. Sinusundan ko siya habang dahan dahan siyang naglalakad. Pinag-iisipan ba niya yung nangyari kanina?
Hindi pa ata niya alam na sinusundan ko siya.
¨ARGH!!¨ huminto siya at nagpapadyak siya sa daan. Baliw talaga.
Tapos bigla niya akong nilingon, ¨Hoy Bryan! Bakit mo ba ako sinusundan?!¨ galit niyang sabi.
Hala! Alam niya palang sinusundan ko siya. Amazing!
¨Galing ng senses mo ah, alam mo palang sinusundan kita kahit tahimik ako dito?¨ pang-asar kong sabi para lang ibahin ang mood niya, mukhang masama eh.
¨Gago! Lakas kasi ng pabango mo. Tsk!¨ kinusilapan niya ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako ngayon kahit na ganyan siya. Bakit nga ba?
Inakbayan ko nalang ang aking bestfriend at nagsabay kaming naglakad.
¨It's all because of you, Bryan.¨ mahinang sabi niya, pero narinig ko naman. Anong ibig niyang sabihin?
¨Ano?¨
¨It's all your fault!¨ teka, galit ba siya? Anong ginawa ko?
¨What do you mean? May ginawa ba ako?¨ worried kong tanong sakanya. Nakita ko kasi na maluha luha yung mga mata niya.
Anong problema niya?
¨Nakakainis ka!¨ tapos pinalo palo niya yung braso ko. Yung totoo? What's wrong with this woman?
Hinila ko siya bigla at sabay kaming pumasok sa ice cream shop na nadaanan namin. Umupo kami sa bakanteng upuan, wala naman masyadong tao eh, gusto ko lang na magusap kami.
¨Ok, now tell me, anong problema mo?¨ hindi siya nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya. Really?
¨Hoy Ynna, kinakausap kita.¨ nilapit ko ang mukha ko sakanya, hindi ko kasi masyadong makita mukha niya eh.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Ficțiune adolescenți¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown