"Sandali lang! Pwede bang double wedding?!!" sigaw ni Lia at kasama niya si Bryan.
Tsk! So magpapakasal sila? Ganun? Sumama ang pakiramdam ko.
"Ay teka! Hindi pwede, moment namin ito ni Lester." sabi ko nalang para hindi ko sila makitang dalawa na ikakasal.
"Woooooooooooooooooo!" pang-aasar naman ng mga kaklase ko. Tch! Mga bwiset.
Naramdaman ko namang kinilig si Lester. Hayyy, ang kamandag ng beauty ko.
"Oh moment pala nila ito eh. Tara na Lia, wag na natin silang istorbohin." malamig na sabi ni Bryan tsaka niya hinila si Lia palabas.
Haiyyyst!
"Moment pala natin ah." nakangiting sabi ni Lester.
Binato ko yung bouquet at tinanggal yung belo sa ulo ko.
"Sorry Lester, nawala ako sa mood. Sorry." sabi ko sakanya at umalis na ako.
"Awww." narinig ko nanaman sila Liam.
Hayy paano kaya kung wala si Lester dun, siguro ikinasal din sila Lia at Bryan. =___=
- - -
Bryan's POV
Moment?
Moment?
"Ay teka! Hindi pwede, moment namin ito ni Lester." May moment moment pang nalalaman si Ynna.
Osige! Ikasal kayo jan, hindi naman tunay. Wala akong pakialam.
"Ayos ka lang ba Bryan?" nabalik ako sa katinuan nang nagsalita si Lia.
"Ah oo naman, siyempre." simpleng sagot ko.
"Sayang hindi vacant yung wedding booth." malungkot na sabi niya. Gusto daw niya kasing ikasal kami doon, pero nauna naman na sila Ynna.
"Hindi pa sila pumayag sa double wedding. Hayyy, moment daw nila. Hahaha, magkakalove-life na ata yung pinsan ko ah." masayang sabi ni Lia habang ako nakikinig lang sakanya.
"Dibale, hindi naman totoong kasal yun eh." sabi ko kay Lia pero hindi na siya nagsalita.
Nandito kami ngayon sa may garden, tahimik kaming parehas.
"Bryan, anong date ngayon?" biglang tanong niya.
"Ha? Eh July 9, 2014, bakit?" out of the blue kasi na tanong niya. Weird siya minsan.
Nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"Bryan, this day, you're officially my boyfriend." sabi niya.
"Ahhhh---" sabi ko pero nung nagloading yung utak ko.. "TALAGA!??? Sinasagot mo na ako?" ngumiti lang siya ng matamis. "Yes, Bryan. Yes." niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik.
Pero after how many seconds, bigla kong naisip si Ynna. Hindi ko alam kung bakit.
- - -
Ynna's POV
"Gaga! Feeling ko ang sama kong tao." nandito na ako sa bahay at kausap ko sa phone si Rachel.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Teen Fiction¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown