Chapter 35.1: Camping

21 0 0
                                    

Aray ko. Bakit parang ang sakit ng leeg ko?

-____-   *mulat...*

-____o  *mulaaaaat ..*

O____o *MULAT!!"

"Oh ano? Gising ka na ba? Bilis. Tumayo ka na jan, tayo nalang ang naiwan dito sa bus." tinulak niya yung ulo ko palayo sa kanya.

Ah! Oo nga pala, nakatulog ako sa balikat niya. Keleg.

Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit niya, pati na yung akin. "Hoy! Bakit pati gamit ko kinuha mo? Tinutulungan mo ba ako?"

"Duh?" sabi niya. Tsk! Bakla.

"Bakit? Ayos na ba tayo? Bati na tayo?!" sigaw ko sakanya habang naglalakad siya palayo. Ok na ba kami?

Sinundan ko siya na nakababa na ng bus, "Hoy Bryan? Hindi ka na galit sa akin?" pero patuloy padin ang lakad niya kaya eto ako, sinusundan siya.

"Bakit ka ba kasi nagalit sa akin? Wala naman akong ginawa."

"Huy! Hindi ka sasagot? Bati na ba tayo" tuloy tuloy na sabi ko sakanya habang naglalakad kami with matching kalabit kalabit pa.

Pero bingi ata, hindi niya ako sinasagot. Kaya tumahimik nalang ako hanggang sa marating namin kung saan nagtipon yung mga schoolmates namin.

"Gaspar! De Leon! Bakit ngayon lang kayo? Diba sabi ko 5 minutes lang?" bungad sa amin ni Ma'am Domingo.

Hala! Wala naman siyang sinabing 5 minutes ah.

"Sorry po, ang hirap magising eh." paliwanag ni Bryan habang itinatabi yung mga gamit namin.

"Hayss.. sige hanapin niyo sila Liam doon at siya ang magsasabi ng gagawin."

"By two's daw, lahat na ba may partner?" naabutan naming nagsusupervise si Liam. Heng! Kailan pa ito tumino?

"Ako wala pa!" taas ko ng kamay ko kaya napalingon sila saakin.

"Ako din." nagtaas si Bryan ng kamay kaya napa-poker face lahat ng kaklase namin.

"OH DI KAYO ANG MAGPARTNER! GRABE! HELLO?!" sabay sabay nilang sigaw.

=____= Okay.

So I'm stuck to this person who doesn't even talk to me? Paano kami gagawa ng activities niyan kung walang communication?

"Hoy Liam! Ano bang gagawin?"

"Aba malay ko. Hindi pa sinasabi, i-aannounce palang. Chill."

Napatingin ako kay Bryan. Ano nanaman kaya ang dapat naming gawin na dalawa?

"READY NA BA LAHAT NG SECTIONS?" sigaw ni Mr. Gil gamit ang megaphone.

"Since may apat na sections, at bawat section ay nahati na by two's.." ano daw? Tapos na ba? Hindi ko masyadong maintindihan kasi nasa pinakalikod kami.

"Each section would have representatives of one pair para sa first game which is COME AND GRAB IT." anong klaseng laro yun? "So, pili na kayo ng representative sa section niyo."

Hindi na ako nakinig, hindi ko naman alam yung laro eh. Camping ba ito?

"Okay! Sino ang sasabak!?" fierce na tanong ni Liam.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon