Chapter 3: Meet Her.

47 3 0
                                    

 

¨Bryan.¨

¨Ynna.¨

¨Bryan.¨

¨Ynna?¨

 

Halos tatlong minuto na kaming ganito. Minsan talaga may 'Weird Moments' kami nitong bestfriend ko. Hahaha.  Nagtititigan lang kami habang nakasandal kami sa mga desk namin. Wala kasing teacher, absent. Wuhoo!

 

¨Anong problema natin Bryan?¨ Sinapak ko siya nung feel kong pinagtitinginan kami dito sa likod.

¨Ha? Baka ikaw lang ang may problema noh.¨ Tama! Problema kitang hayop ka, bakit kasi minahal pa kita? CHOS! Corny.

 

¨Ay Oo! Actually may problema din ako eh. Naalala mo yung nakita natin sa facebook? Yung maganda? Kailangan natin siyang mahanap.¨ Sinuntok niya ang kamao niya sa desk. Well, I know where this is going.

 

¨Natin? Maybe, you mean 'kailangan MO siyang mahanap'¨ pagkokorekta ko sakanya. Kailangan pa niya akong isama sa kalokohan niya.

¨Ano ka ba! Partners in crime tayo kaya kailangan mo akong tulungan sa paghahanap ng lovelife ko, Ynna. Para saan pa't naging besfriend kita?¨

 

OUCH!

Tumayo ako.

¨So you mean, bestfriend mo lang ako for you to use me? Na tulungan kang maghanap ng chicks? Ha! Ang galing mo. After all these years, yan ang motive mo?¨ Tinalikuran ko siya at lumabas ng classroom, kailangan kong magpahangin.

 

 

Para saan pa't naging bestfriend kita?

Ang sakit mo sa ulo, Bryan.

 

Pupunta nalang ako sa may garden, atleast doon, walang tao.

*Lakad Lakad Lakad*

 

¨Ouch! >__<¨ may nakabunggo ako. Antanga kasi, hindi ako tumitingin sa daan.

¨Ay sorry po.¨ Nag-sorry siya. Ako dapat ang mag-sosorry eh, ang bait naman niya. Napatingin ako sa mukha niya.

 

O____O? This girl? Nandito siya? Taga-dito siya? OMFG! NO!

¨Uhh, ayos ka lang ba?¨ tanong niya.

 

Siya nga. Siya yung babae sa facebook kagabi. Yung crush nung mahal ko.

¨Ah-eh. Oo, sorry din.¨

Maganda talaga siya lalo na sa personal. At tama ang hula ko, boyish siya, pero bagay naman sakanya. Pero sana...

 

Sana hindi siya makita ni Bryan. Please lang.

¨Ayos lang. Sige, mauna na ako, late na kasi ako eh.¨ pagpapaalam niya, tumango nalang ako at nagpaalam din.

 

Naglakad siya papalayo at pinanuod ko ang likod niya. Huwag kang magpapakita kay Bryan.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon