Ynna's POV
"Hahahahaha! Tama Mare! Aba't malalaki na din sila, tumatanda na talaga tayo. Hahahahahaha~!!" nagising ako sa mga naririnig kong mga halakhak!
=___=
Grabe ha? Saan ba galing yun at hanggang dito sa kwarto ko, naririnig ko? Aiyst!
''Good Morning, world!" sarcastic na sabi ko sa sarili ko.
Bumangon ako at nakita ko ang gown ko na suot ko kahapon na nakakalat sa sahig. Napangiti ako. Pagka-uwi kasi namin ni Bryan kahapon, dumeretso na ako dito sa kwarto ko at basta nalang nagpalit saka bumagsak sa kama.
"Kamusta naman pala ang business?" narinig kong sabi ni Mama. Papunta na kasi ako kusina. Tsk! So sa kusina pala galing yung ingay? Sino bang kausap nila?
"Ay naku Mare, ayos lang naman siyempre." nang makalapit na ako eh nakita ko ang nanay ni Bryan.
Really? This early nandito na si Tita para maki-chika?
"Oh Ynna, gising ka na pala." sabi sa akin ni Mama nang mahagilap niya ako.
"Ah, Good Morning Ma, Pa, ahh, Tita." bati ko sakanila habang nakangiti.
Kakahiya, hindi pa ako nakahilamos. =____=
"Good Morning din iha, long time no see. Dalaga ka na! Mas matangkad ka na sa Mama mo. Hahaha." - - - sabi ni Tita Gianna.
"Hehe, oo nga po eh. Bakit po pala kayo napadalaw?"
"Eh sabi kasi ng Mama mo, dito natulog si Bryan kaya susunduin ko sana siya." seryosong sabi niya.
"Ah, ganun po ba? Gusto niyo pong gisingin ko na siya?"
Hindi siya sumagot, nginitian lang ako.
"Hindi na kailangan. Gising na ako." nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko, si Bryan.
Nilingon ko siya, yung itsura niya eh poker. Tch!
"Bakit ka nandito?" walang galang niyang tanong kay Tita Gianna. Uh-ohh sounds like trouble.
"Sinusundo ka, marami tayong dapat pag-usapan." nakangiti naman si Tita, honestly, nakakatakot yung ngiti niya.
"Really? Bakit hindi nalang yung isa niyong anak ang kausapin niyo." bastos na sagot ni Bryan, tumalikod siya at akmang aalis.
Napatayo si Tita Gianna, "Bryan, I don't like the way you talk to me." striktong sabi niya.
Nasabi ko na ba na nakakatakot ang Mommy ni Bryan? Yeah, since bata pa ako, takot na ako sakanya. Para sa akin, witch siya, sa totoo lang. Hindi lang yun, marunong kasi sa martial arts ang mommy niya.
"Really? I don't like the way you talk to me, either." sagot ni Bryan.
Yung totoo Bryan? Hinahamon mo ba ang nanay mo? Alam mo namang hindi ka mananalo sakanya.
"Heh." nag-smirk si Tita at dahan dahang naglakad palapit kay Bryan.
"ARAY!" piningot niya ang tenga ni Bryan at hinila papunta sa pintuan.
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Fiksi Remaja¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown