Chapter 28: What?

28 0 0
                                    

It takes the shortest time to fall for someone, yet it takes forever to get over them.

- - -

Ynna's POV

Pauwi na kami ngayon ni Bryan galing sa palengke. Wala na kasi kaming mapuntahan na iba eh, kaya we decided na bumili nalang kami ng fruits para sa dinner mamaya.

¨Ano nga palang occassion ngayon? Bakit magpapadinner si Tita?¨ tanong ni Bryan.

¨Che! Lagi namang nagpapadinner si Mama eh.¨ sagot ko.

5pm. Naglalakad kami pauwi, total malapit lang naman yung village namin nila Bryan.

¨Sungit.¨ narinig kong sabi niya.

¨Tumahimik ka.¨

Tahimik kaming naglalakad, hindi kami sabay maglakad kasi nasa likod ko siya. Ewan ko din kung bakit.

Di naman nagtagal eh narating na namin yung bahay namin. Pero nung bubuksan ko na sana yung pinto, naka-lock.

¨Ha? Bakit naka-lock ito?¨ sinubukan kong kumatok pero walang nagbubukas.

Sumilip naman si Bryan sa may bintana, ¨Mukhang walang tao Ynna, di nakabukas yung mga ilaw eh.¨

Weird. Saan naman kaya sila Mama?

¨Saan naman kaya sila? Akala ko ba may dinner?¨

¨Tawagan mo nalang.¨ so, tinawagan ko nga.

Calling Mother Precious ....

¨Hello Ma? Bakit saan kayo? Nandito kami sa labas ng bahay, wala akong susi.¨ hinintay ko naman yung sagot ni Mama.

¨Ah ganun po ba? Sige po, papunta na kami jan.¨

Heng! Ano nanaman ang binabalak ng mga yun?

¨Oh saan daw sila?¨ tanong ni Bryan. Hindi ko na siya sinagot at basta ko nalang siyang hinila.

Nasa bahay daw kasi nila Bryan sila Mama, doon daw yung dinner.

¨Hoy, amazona ka. Saan mo ko dadalhin?¨

¨Sa bahay niyo, dun daw ang venue.¨ pagkasabi ko nun, hindi ko na siya mahila. Tumigil siya sa paglalakad.

¨Tsk! Ayaw ko.¨

¨Hindi ka ba gutom? Tara na kasi.¨

¨Ayaw ko.¨

¨Bryan, para kakain lang?¨

¨Ayaw ko silang makita.¨

¨Ang arte! Sige, kung ayaw mo, manigas ka jan! Basta kakain ako. Bye!¨

Tinalikuran ko siya at dumeretso sa gate nila, pero bago ko buksan, nilingon ko ulit siya.

¨Ano? Bryan, hindi ka mabubusog sa pride. Tara na, isa... dalawa...¨ pero hindi parin siya gumagalaw.

¨Bryan, please?¨

¨Hayyyy.¨ bibigay na yan!

¨Sige naaaaa.¨

¨Oo na, ang pangit mo!¨ 

Sabi na nga ba hindi niya rin matitiis ang kamandag ko, este ang pagkain.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon