Chapter 13: Wedding

47 2 0
                                    

"HOY SABING AYAW KO! AYAW KO!!!" sigaw ko sa loob ng classroom.

Eh pinipilit nila ako sa ayaw ko. School festival kasi ngayon, at ang naassign sa class namin eh ang wedding booth. The heck?

Pinipilit nila ako na kung pwede ako nalang daw yung bride model. HALA! Mabuti sana kung ghost house nalang sana at maging multong model ako, papayag pa ako.

"Sige na, Ynna. Ikaw naman yung representative ng class natin eh."

"Eh kung ayaw ko?" mataray na sagot ko.

"Please? Magsusuot ka lang naman ng dress eh, tapos tatayo ka sa harap ng booth natin. And then, siyempre sa ganda mo, marami kang maaakit na magpakasal sayo."

"Eh ginawa niyo pa akong prostitute jan!" tumayo ako at nag-cross arms.

"Wedding booth? Eh bakit ako lang ang bride? Hala sigee, anong trip niyo?" iba kasi ang naisip nilang idea para sa wedding booth na ito.

Male customers lang ang target nila. Badtrip noh? Eh sana BAR nalang ang ginawa nila.

"Para nga maiba!"

"Tsk! When I say no, it's a NO!" tinaasan ko sila ng kilay.

"Please? Wala na bang pwedeng magpabago ng isip mo?" tinitigan ko sila ng matagal. Naawa naman ako sakanila. Grade din namin itong lahat.

Bakit ba kasi ako lang maganda dito sa classroom? Haha! Che! Nahahawa na ako kay Bryan.

"Fine! Unless, baguhin niyo yung concept niyo. Ayaw kong maging bride, pero I'm willing na maging model ng booth. Okay ba yun? Couples ang targetin niyo at hindi lang mga lalaki, okay?"

Ngumiti naman sila ng sabay sabay. Kinusilapan ko lang sila at sinimulan na nila akong ayusan.

"Bakit pa kasi ako aayusan? Maganda naman na ako, naturally!" Ayan! Nahawa na talaga ako sa kahanginan ng bestfriend ko.

"Tsk! Bumabryan ka ha! Dibale, natural naman ang make-up mo, lilitaw parin ang natural mong ganda." sabi ni Jelli na siyang nagme-make up sa akin.

Tch. Naka-ayos na yung booth namin sa ground, at ako nalang daw ang hinihintay para ma-open na yung booth. Hay naku, I was born to be a VIP ang peg ko.

"Ayan tapos na, isuot mo nalang yung dress tapos sumunod ka na sa labas, okay?" tumango nalang ako at iniwan nila akong mag-isa dito sa classroom para makapag-bihis.

Nakita ko naman yung dress. White na tube ang style niya.

"Maputi na nga ako, puti pa ang isusuot ko? Makita pa kaya ako ng mga tao?" sabi ko sa sarili ko.

Isinuot ko ito, at infairness, sakto sa katawan ko. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

"Naks naman! Ang diyosa ko talaga." pag-puri ko sa sarili ko. Pero feeling ko may kulang. Kinuha ko yung white ribbon sa may mesa at nilagay sa buhok ko.

"Ayan! Perfect!!" malawak na ngiti ang ipinakita ko sa salamin.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom, ang dami ng nakatitig sa akin. WAH! Lahat sila nakatingin. nakaka-----

Flatter. Hahahaha. Oo na po, maganda talaga ako.

Rumampa ako papuntang ground pero napatigil ako nang may humawak sa braso ko.

It's Just Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon