Why am I so afraid to lose you when you're not even mine?
- - -
¨Tingin mo? Anong mga type niyang mga dates? Yun bang sa restaurant, sa park, ano?¨ tanong ni Bryan kay Lester.
Pinsan nga kasi ni Lia si Lester kaya itong si Bryan, inaalam ang lahat tungkol kay Lia. AIYST! Ayan, nagiging close na sila, at ako? Naeechapwera. Wala nga dito si Lia, pero feeling ko siya ang nandito instead na ako.
¨Yung pinsan ko korny eh. Ang alam ko lang, kahit saan gusto niya basta kasama niya yung taong gusto niya. Korny noh?¨ natatawang sagot ni Lester.
Ako din naman ah! Kahit saan pupuntahan ko basta kasama ko si Bryan.
¨Oh Ynna, anong pinaglalaban mo?¨ tanong sa akin ni Bryan, tapos tinuro niya yung bibig ko.
¨Ay naku namaaaan, ang cute cute talaga ni Heidi lalo na pag may ketchup sa lips.¨ tinanggal naman ni Lester yung ketchup sa lips ko with his bare hand.
Naghugas ka ba? Nyemas.
¨Anong cute?! Hindi ka ba naturn-off? Kadiri ka Ynna, ganyan ka sa harap ng 'manliligaw' mo?¨ OUCH!!!
¨Tsk! Wala kang pakialam. Bakit? Sinasadya ko ba? Wag niyo na akong pansinin, ituloy niyo nalang usapan niyo tungkol kay Lia.¨ kinusilapan ko si Bryan.
Turn off? So para sakanya nakakaturn-off yun? Eh sanay naman na siyang makita akong ganun ah.
Imbes na si Bryan ang magselos sa amin ni Lester, ako naman ang nagseselos kasi puro Lia nalang. Lia! Lia! Lia! Lia! =_______=
¨Ang cute mo Heidi.¨ isa pa toh! Bwiset, hindi ka effective na pagselosan. Nginitian ko lang si Lester kahit gusto ko siyang barahin.
Gusto ko ng umuwi,pagod na ako. Kanina pa kasi palakad lakad, tapos yung dalawang lalaki naglaro sa time-zone kanina, ako? Tagabit-bit ng gamit. Audience nila.
Saklap noh?
¨Oww alas kwatro na pala, late na ako.¨ this time ako naman ang napatingin kay Lester.
¨Para saan?¨ I asked him. Hindi naman niya sinabi na may pupuntahan pala siyang iba.
¨May band practice kasi kami eh.¨ Band? As in rak en rol?? Woah.
¨Waaaah! May banda ka? Bakit hindi mo man lang sinabi?¨ HA! Mahilig kasi ako sa mga band. Band music. Hindi lang halata.
¨Ah--ehh oo eh.¨ sagot ni Lester na parang nahihiya. Sus!
¨Sige na, alis ka na, magpractice kayo ng mabuti ha?¨ I smiled at him. Ngumiti rin naman siya.
¨Bryan, ikaw na bahala kay Heidi ah?¨ walang reaction si Bryan. Tsk! ¨Heidi, next time ipapakilala kita sa bandmates ko. Ingat ka ha? Bye¨
¨Bye!¨ tumayo siya at niyakap niya ang ulo ko. O____O?? Why? Tapos umalis na siya. Naiwan kami dito ni Bryan.
¨Kilig ka naman? Tsk! Naku! Ulo lang ang niyakap sayo, ako nayakap na kita ng buo.¨ >_____>?
BINABASA MO ANG
It's Just Too Late
Genç Kurgu¨If you have something to say,say it now; if you have something to give,give it now; if you have something to do, do it now; before its too late.¨ - Unknown