Prologue

11.3K 274 29
                                    

Prologue

"Nasan ka na ba? Kanina ka pa on the way ng on the to way." Sabi ni Rachel mula sa kabilang linya.

I let out a chuckle. "Parking na. And kanina pa talaga ako on the way Rache, sobrang traffic lang. Need I remind you that it's a Friday night. You know just in case you forgot." I said sarcastically. Dahil totoo naman na kanina pa ako on the way.

It took me one hour to get from Makati to BGC because of the goddamn traffic. Kung normal na araw lang ay kaya ko iyong takbuhin ng 15 minutes.

"Whatever. Faster, I think we're almost complete." Sabi niya bago ibaba ang tawag.

Medyo mabilis akong nakahanap ng parking. May nag-aabang malapit sa nakita kong umalis pero hindi naman ito first come first serve basis. Mabilis akong pumasok sa space na nakabante nang umalis ang isang sasakyan.

Narinig ko pa ang busina ng sasakyan na nakaabang doon. Napailing ako. "Sorry, dude." Sabi ko kahit di naman niya maririnig bago kinuha ang phone ko. I grabbed my Louis Vuitton Twist MM sling bag and got out of the car.

Hindi ko na nilingon yung sasakyan na inunahan ko kanina sa parking. If he's upset, I don't really care. Hindi ko naman na kasalanan na babagal-bagal siya. And besides, may parking naman na para sakanya, dahil kakaalis lang din ng sasakyan sa tabi ng sasakyan ko.

Inayos ko ang damit ko bago ako tuluyang pumasok sa restaurant. I was immediately welcomed by the restaurant's hostess pagkapasok ko. "Do you have a reservation, Ma'am?" Tanong nito sa akin.

I nodded. "Under Rachel Medina." I replied back with a warm smile.

"This way, Ma'am." Anito at itinuro ang daan.

I was a few feet away from their table ng mapahinto ako. I felt my heart skipped a beat. What the hell is he doing here? Damn it.

Ilang lunok pa ang ginawa ko ng makita ang babaeng kasama nito. Yan yung babaeng ipinalit niya sa akin. Why the hell would Rache invite them over? Fuck, she's well aware na hindi pa ako handa makita ang lalaking yun.

Mabilis akong tumalikod pero narinig ko na ang pangalan ko mula sa lamesa nila. "Oh there's Addy." Sabi ni Ynah, college friend namin.

Napapikit ako sa sobrang inis at napabuntong hininga.

Calm down, Addy. Think.

I opened my eyes, and the first thing I saw was this man walking towards me. I secretly checked him out habang naglalakad ito patungo sa akin.

Gwapo? Check.

Mukhang mabango? Check.

Mukhang successful? Check na check.

Binggo.

Okay, here goes nothing.

Hinarang ko siya at nginitian. "Hi. I'm Addy. And you are?" Sabi ko.

He looked at me blankly. "What?" Tila iritado nitong sabi sa akin. "You took my parking space, and now you're suddenly asking for my name?" He continued. And I don't know but I kind of saw amusement in his face. "Wow, you're something, miss."

Shit. Ito pa pala yung inagawan ko ng parking lot. But I can't back down now. He's all I've got. "I didn't mean to. I—I was running late and...look, whatever-your-name-is, I'm sorry, I just—"

He immediately cut me off. "Tobi." Simpleng sabi nito.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Okay, Tobi. I'm Addy. And tonight, we're a couple, okay. I'm your girlfriend, and you're my boyfriend." Tuloy tuloy kong sabi bago ko ipagsaklop ang kamay namin.

"What th—" Aangal pa sana ito pero hindi ko na siya binigyan ng chance umapela, agad ko siyang hinila patungo sa lamesa ng mga kaibigan ko nung college.

My heart was pounding like crazy. I mean, I just grabbed this stranger out of nowhere para may ipakilala akong boyfriend, that itself is an enough reason para kabahan ako. Not to mention that I'm only one meter away from Arnold—my ex.

"Guys, this is Tobi..." I squeezed his hand as I looked at him.

Please, makisama ka.

"...my boyfriend."

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon