Chapter 10 - Date

5K 260 48
                                    

#FFYwp
Chapter 10 - Date

Sinamaan ko lang siya ng tingin sa sinabi niya. "Date, my ass." Sabi ko bago ko siya talikuran para ikutin ang kabuuan ng condo unit na ito.

This one is the one bedroom unit. Ito talaga ang gusto kong kuhanin, and now that I've seen the place, parang gusto ko na agad ibigay lahat ng pera ko para lang mabili ang unit na ito. That's how beautiful it is.

I want it empty though. Ito kasing unit na ito ay fully furnished na. Pwede naman sanang ito nalang ako bilhin ko para hindi na ako mahassle sa pamimili ng mga gamit.

But, I want to do that myself.

Gusto ko yung ako ang mamimili ng mga gamit ko, from my couch, to my dining table, my bed, and appliances.

"Why? Friendly date, diba? Ibang date ata iniisip mo." He smirked.

Tinabihan ako nito sa counter. Umupo ito sa stool na katabi ng inupuan ko. "Whatever." Inirapan ko siya. Bwisit na 'to. Papalabasin pa na ibang date yung sinasabi niya sa naisip ko.

Ng maalala ko ang ginawa nitong paghalik sa pisngi ko kanina ay mabilis ko siyang hinampas sa braso. "Ouch, para saan iyon?" Sabi nito at hinimas ang parteng hinampas ko.

"Sumosobra ka na ng kakahalik sakin, eh!" Kunot noo kong sabi dito.

Tumawa siya. "Can't help it." Pagbibiro nito.

Akmang hahampasik ko ulit siya ng mas lumakas pa ang tawa nito. "Just kidding. Ito hindi mabiro. Kailangan ko kasi gawin iyon. Nandito si Daddy, diba? Para naman kapani-paniwala." Natatawang sabi niya.

"Siguraduhin mo lang na hanggang cheeks lang yang ganyang galawan mo ha." I hissed at him.

He shrugged. "Okay. Noted, girlfriend ko. Wag sa lips. Not unless—" He raised his eyebrows.

"Not unless what?" Kunot noong tanong ko.

Nagtaas baba ang kilay nito. "Not unless you ask for it." Panunuyang sabi nito.

Me? Ako talaga? Hihingi ng kiss sakanya? "Oh, please. Never." Sabi ko bago ako bumaba sa pagkakaupo ko doon. "Come on. Kausapin na natin yung imimeet ko. I'll buy a single bedroom unit like this. Pero yung hindi fully furnished." Pag-anyaya ko sakanya.

He shook his head. "I have a better idea. I'll let my assistant handle all the paperworks and whatnot, para yung sa pagbayad nalang gagawin mo. Tapos makakaalis na tayo ng maaga. Para mas mahaba oras ng date natin." He suggested.

No scratch that, he commanded.

Aangal na sana ako pero mabilis itong nagsalita ulit. "No buts." Aniya at hinila na ako palabas ng unit. Wala na akong nagawa kundi magpatiunod sakanya.

Mabilis kaming nakababa kanina kung saan kinausap ni Tito Ashton si Pia. May kinausap ni iba si Tobi at sinabing yung secretary nalang nito ang mag-aasikaso ng mga papeles.

Ayoko sana dahil hindi ako sanay na may ibang gumagawa ng mga ganto para sa akin pero wala na akong nagawa kasi firm na si Tobi sa sinabi nito.

"Yung ibang papers ko na kailangan, paano iyon?" I asked him.

"Pakuha ko nalang sa driver ni Daddy. Nasaan ba?" Tanong nito.

I nodded. "Nasa restaurant." Sagot ko.

Tumango ito. "Ipapakuha ko nalang. Siguro by tomorrow para maasikaso na lahat ng papeles before Friday." Seryosong sabi niya.

Pagdating namin sa parking ay dumeretso ako sa sasakyan ko. "Where are you going?" Tanong ni Tobi at pinaharap ako nito sakanya.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon