Chapter 42 - Letters

2.1K 100 13
                                    

#FFYwp
Chapter 42 - Letters

(WARNING: SPG!!!)

"Hi." He said after the earth shattering kiss we just shared.

Sandali akong naestatwa sa kinatatayuan ko hanggang sa maagaw ng malakas na palakpakan ang atensyon namin.

I turned around to look for my family, concerned about what their reaction were because before we broke up, they weren't so discreet about what they feel about my relationship with Tobi.

But to my surprise, both my parents, my Kuya Andrei, Rea, Rache, and Emma, they were all clapping their hands.

Namasa ang mata ko nang makita ang mga ngiti ng mga mahal ko sa buhay pero agad din itong nawala dahil sa sigaw ng mga kaibigan ko.

"Wala weak, isa pa!" Narinig kong sigaw mula sa lamesa ng college barkada ko. Napuno ng tawanan sa loob ng resto.

Damn, nakakahiya!

Kinagat ko ang labi ko. Damn it! Siguro ay mahihiya ang kamatis sa pula ko ngayon.

Tumikhim si Tobi kaya napatingin ako sa kanya. "H—Hi." Mahinang sabi ko.

Nagtilian ang mga tao nang hapitin ako muli ni Tobi para halikan.

"Get a room!" Natatawang sigaw ng isa sa mga kaibigan ko.

"Hoy, ang aga pa! Gising pa ang mga bata!" Sigaw ng isa ko pang kaibigan.

Pagkahiwalay ni Tobi ay napasandal ako sa dibdib nito. Shit! "Nakakahiya." I whispered.

He let out a chuckle. God, I missed that laugh. I missed his smell. I missed hugging him like this.

I wish we can stay like this forever. Damn, I missed him so much.

I once read somewhere that a break from someone will either make you realize how much you truly love them or how much peace you have without them, and being away from Tobi made me realize how deep my feelings actually are.

So deep that I just gave up all hopes of me fully moving on. Sinubukan kong makipagdate, makipagkilala, pero hindi ko mapigilan ikumpara silang lahat kay Tobi. I would always try to find pieces of Tobi in every man I go out with. And that made me realize that no matter what I do, it will always be Tobi.

Napabalik ako sa realidad ng magsalita si Tobi.

"Tito, Tita, hihiramin ko po muna si Addy." Anito.

Napaangat ako ng tingin kay Tobi. "What?" Gulat kong sabi, at nang marealize ko ang gusto nitong mangyari ay huli na dahil hila-hila na ako nito palabas ng resto ko.

"Teka, teka, hindi pa ako pwedeng umalis, yung mga bisita!" Pagpigil ko dito.

Tumigil lang kami sa harap ng isang itim na sasakyan. "I'm sure kaya na ni Den iyon." Walang kaabog-abog na sabi nito.

Kumalabog ang dibdib ko. "H—How'd you know?" Paanong kilala niya ang manager sa bagong branch ko? He was not even here when I hired him.

He shrugged. "Alam ko lang." Anito at pinagbuksan na ako ng shotgun seat.

"Fine." Sabi ko dito bago ako pumasok ng sasakyan niya.

Who am I kidding? Kung babalik ako doon ay hindi din siguro ako makakapagentertain ng mga bisita dahil hindi na mawawala sa isip ko ang nangyari ngayong araw.

Nagmartsa ito papuntang driver's seat. Bago magmaneho ay nilingon ako nito at nginitian. Damn that smile! Damn it!

I bit my lower lip as I looked away. Itinapat ko sa akin ang aircon dahil pakiramdam ko ay init na init ako. "Mainit?" Nakangisi nitong tanong sa akin.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon