Chapter 16 - Couch

5.3K 329 62
                                    

#FFYwp
Chapter 16 - Couch

"Addy." Pagtawag ni Tobi sa akin pag-alis ni Rachel.

I hummed. "Bakit?" Tanong ko dito.

Sumeryoso ang mukha nito mula sa kanina nitong pagkakangisi. "About last night—" Huminto ito na para bang iniisip niya ang tamang sasabihin.

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang hinihintay na sabihin nito ang gusto niyang sabihin.

He shook his head. "I'm really sorry if I went too far." Puno ng sinseridad niyang sabi. Bakas sa mata nito ang pagkabigo.

Umiling ako at ngumiti. "Sabi ko naman sayo, what happened last night was not your fault. I—I kissed you first." Napabuntong hininga ako sa ala-ala ng nangyari kagabi. "Ako yung dapat magsorry. I shouldn't have done that." Pagpapatuloy ko.

Tipid itong ngumiti. "I hope walang magbago sa atin. Masaya ako sa kung ano ang meron tayo—masayang masaya, kaya sana hindi magbago iyon dahil sa nangyari kagabi." He said.

I smiled. "Of course." I told him, truthfully.

Dahil ako rin naman, ayaw kong may magbago sa amin. Kasi katulad niya, masaya din ako sa kung anong meron kami.

Masaya akong nakahanap ako bagong kaibigan na maaasahan at palaging nandyan para sa akin sa katauhan ni Tobi.

Napabalik ako sa realidad ng tumunog ang cellphone ko. Napabalikwas ako sa kama para kuhanin iyon sa side table ko.

Who the hell would call me in the middle of the night? It's almost 12 midnight for God's sake.

Pagkuha ko ng phone ko ay napakunot noo ako. It was Tobi. Ano kaya ang kailangan niya para tumawa ito ng ganitong oras?

"Hello?" Agad na sabi ni Tobi mula sa kabilang linya.

Bumalik ako sa pagkakahiga. "Hmm? Bakit?" Tanong ko dito.

"Wala. Bakit gising ka pa?" Tanong nito. Medyo namamaos-maos pa ang boses nito.

I shrugged kahit hindi naman ako nito nakikita. "Wala. Can't sleep. Ikaw?" Sabi ko.

Ipinikit ko ang mata ko habang kausap ko siya sa kabilang linya. Hearing his voice makes me wanna sleep. Parang ang kalmado lang palagi pag kausap ko siya ng ganito.

Kaya naman madalas din kaming mag-facetime or tawag ni Tobi bago kami matulog. Hindi ko alam, but something about talking to him before going to bed makes me calm.

"Ako din." He said. "Are you excited for tomorrow?" Tanong nito patungol sa aming Palawan trip bukas kasama ang mga kaibigan ko.

Bahagya akong tumawa. "Sakto lang." Sabi ko. Kung hindi siguro kasama si Tricia at Arnold, ay malamang excited ako sa bakasyon namin bukas. But then, kasama sila kaya nagtatalo ang isip ko kung dapat nga ba akong maexcite o hindi.

Sandaling natahimik ang kabilang linya bago ito magsalita ulit. "Gusto mo ng Frankie's?" He asked out of nowhere.

Napangiti ako. I hummed to let him know na gusto ko.

Pakiramdam ko ay biglang kumalam ang sikmura ko sa tanong nito. Parang bigla akong nagcrave sa chicken wings ng Frankie's.

"I'm coming over. See you in one hour, girlfriend ko." He said before the line went off.

Napatawa ako at inilapag ang phone ko sa side table. Minsan talaga impulsive itong si Tobi, eh. Kung anong maisipan niya, ay gagawin niya agad agad.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon