Chapter 9 - Condo

4.8K 277 46
                                    

#FFYwp
Chapter 9 - Condo

Alas dos ng hapon ng pumasok si Vina sa office ko para paalalahanan ako sa scheduled meeting ko ng alas tres.

It's Tuesday, at ngayon nga namin napagkasunduan ng kausap ko last week na magkita sa Harmony Residences para makita ko ng personal ang condo unit ang kabuuan ng condominium.

Umalis ako ng maaga dahil ayaw ko naman malate. Malapit lang iyon dito sa restaurant ko but then I just want to be sure na hindi ako malalate or anything.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko mapigilan maalala ang nangyari noong Sabado ng gabi.

I saw Tobi standing outside. Nakapamulsa ito at deretso ang tingin sa akin. Tipid na ngiti ang binigay nito sa akin bago siya maglakad palayo patungo sa sasakyan niya.

I hastily stood up. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Andrei sa akin.

"Wait lang." Simpleng sabi ko at mabilis akong naglakad palabas ng restaurant.

Pasakay na si Tobi ng sasakyan niya ng makalabas ako sa resto. "Tobi!" I shouted.

Napatigil ito at mukhang nagulat na nilabas ko siya. Mabilis kong nilakad ang distansya naming dalawa, at tila naestatwa ito sa kinatatayuan niya sa sobrang gulat.

I stopped just a few inches away from him and I don't know what got into me pero niyakap ko siya. Ipinalupot ko ang kamay ko sa bewang nito. "A—Addy." He stuttered.

Hindi ko inalis ang pagkakayakap ko dito. "I'm sorry for lashing out on you. I'm sorry." Sabi ko.

I swear my heart skipped a bit when he hugged me back. "Ako yung dapat mag-sorry. Hindi ikaw." He let out a chuckle. "But okay ka lang ba? Baka makita tayo ng totoong boyfriend mo na magkayakap." Sabi nito sakin na siyang nakapagpahiwalay sa akin sa yakap namin.

Kunot noo ko siyang hinarap. "Totoong boyfriend?" Ano daw?

He nodded. "Iyong kadate mo? Pupuntahan sana kita sa office mo but then Vina told me na kasama mo daw yung Andrei? Kaya pinaabot ko nalang yung bulaklak. Ayoko makaistorbo sa inyo ng boyfriend mo." Pagpapaliwanag nito.

Hindi ko alam kung ako lang but what he said sounded like he's jealous. I shooed my thoughts away.

I suppressed myself from laughing out loud. "He's not my boyfriend." Iling iling na sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

"Kuya ko iyon." Sabi ko dito.

Sa hindi malamang dahilan ay napabuntong hininga ito sa sinabi ko. "What?" Tanong ko sa naging reaction nito.

He shrugged. "Wala. Akala ko may kaagaw ako sayo, eh." He murmured.

Hindi ko ito naintindihan dahil sa ingay ng mga sasakyan sa daan. "Ano iyon?" Tanong ko ulit.

He shook his head and he grabbed my wrist and pulled me for another hug. "Bati na tayo?" Bulong nito sa akin.

Napangiti ako. Ang cute ng tao na 'to. He looks so intimidating on the outside, but he has this soft side on the inside. "High school ka ba?" I joked but I nodded anyways. "Oo, bati na tayo." I told him.

Napangiti ako sa naalala ko.

Pagdating ko doon ay may twenty minutes pa bago mag alas-tres but instead of waiting in my car for almost twenty minutes, napagdesisyunan ko ng pumasok na sa loob.

The lobby of the Harmony Residences screams elegance. I've never been here dahil wala naman akong kakilala na may unit dito, but I've heard so many good things about this place.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon