Chapter 1 - Better

7.1K 220 34
                                    

#FFYwp
Chapter 1 - Better

I hastily put on my stilettos as soon as I got out of my walk-in closet. Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa aking working table at agad na lumabas ng kwarto. I'm halfway down the stairs ng maisip ko na sobrang gaan ng bag ko.

Something's missing.

"Shit, my laptop." Sabi ko sa sarili ko ng maalala ko na ginamit ko pa pala yun kagabi to check on our sales last month.

Nakakainis! Kung bakit ba naman kasi late ako nagising ngayon. Oh, right, kasi niyaya ako lumabas ni Rache just to tell me about the upcoming mini-reunion.

Ang ending ay alas-onse na ako nakauwi. And as much as I want to go to sleep right away, ay kinailangan ko pa icheck ang sales last month bago kami pumasok sa panibagong buwan.

I slept around 3 AM, at nagising ako ng 6:15. 6 freaking 15. I usually wake up at 5:30, being a morning person and all.

Binalikan ko ang laptop ko sa kwarto before I went down to have breakfast with my parents.

I kissed them both on their cheeks before I sat down on my chair. "Addy, slow down." Pagsuway ni Mommy habang kumakain ako.

Bahagya akong tumango. "Sorry, Mom. I'm just really in a hurry. Malalate na ako." Sabi ko at muling tinignan ang orasan na nakasabit sa pader namin.

Tumawa si Daddy. "There's no such thing as late, anak. You're the boss. You're never late." Anito.

"Nako, Dad." Umiling-iling ako. "Unlike the both of you, my business won't function well ng wala ako. Kayo, kahit isang linggo kayong mawala ay business as usual ang company." I told him truthfully.

Ang totoo niyan ay kahit isang buwan sila mawala ay magfufunction ng maayos ang company nila. My mom and dad's IT company has been around for as long as I can remember that it can already stand on its own, plus it's already earning millions.

My business, however, can't.

Dalawang taon palang mula ng buksan ko ang restaurant ko. And I personally check on my employees, our sales, our service, and the food we serve.

Kung tutuusin ay pwede naman na akong magtayo ng iba pang branches. Pero ay gusto kong tutukan muna ng mabuti ang unang branch ko. Gusto kong established na ito pag naisipan ko ng itayo ang magiging pangalawang branch ko.

Nagtaas ng kamay si Daddy. As his sign of surrender. "Whatever you say so. But please, calm down. Baka mabilaukan ka dyan. It's just 7:00 for God's sake. At 10 o'clock pa ang bukas ng resto mo." Anito.

He's right. 10 pa nga ang bukas ng resto ko, but we still have to clean up and prepare before that. Pero hindi nalang ako sasagot kay Daddy. He's the boss.

No scratch that, Mom's the boss.

Nang matapos ako ay nagpaalam na ako sa kanila. "Bye Mom. Bye Dad. Bye Manang!" Sabi ko.

I grabbed my key cles out of my bag at halos mapatalon ako ng tawagin ulit ako ni Daddy. "Addy, I just want to remind you, yung ball next month for DC Corp." Pagpapaalala nito sa akin.

"Shoot. Yes, yes. I'll clear my sched for it." I told him.

Nakalimutan ko na next month na pala ang annual ball ng DC Corp. DC stands for Dela Cruz. Yes, iyon ang apelyido ni Daddy.

Adam Xavier Dela Cruz, that's my Dad's full name. And my mom, well, I love my mom's name—Miracle.

Pero sa Adam, doon nanggaling ang pangalan ko. Addison, the son of Adam—or daughter, at that.

Palabas na talaga ako ng si Mommy naman ang tumawag sakin. "How about your date? Meron na ba?" She winked at me.

Sumimangot ako ng bahagya. "What date." Natatawang sabi ko.

"Addison Grace." Sabi ni Daddy.

I shook my head. "Dad! You know I hate it when you call me that." Napanguso ako ng bahagya. Ayokong ayoko na tinawag ako sa buong pangalan ko. "Alam niyo naman na taon taon si Kuya Andrei ang date ko."

Kuya Andrei, he's my half brother. Anak siya ni Daddy bago pa man nito makilala si Mommy. I don't know the whole story between them pero ay pinanagutan ni Daddy si Kuya Andrei matapos nitong malaman na totoong anak niya ito sa ex-girlfriend niya. Or atleast that's what they told me.

Wala namang naging problema si Mommy dito. She treated him like her own child. Kaya naging sobrang malapit ang loob sa amin ni Kuya Andrei.

Umiling si Daddy at tinapik ang balikat ko. "May ibang date na dadalhin si Andrei. So you better find yourself another date." Anito at inunahan ako lumabas ng bahay.

Takang taka akong tumingin kay Mommy. "Is that true?" Di makapaniwalang sabi ko.

Tumango ito at niyakap ako. "Go ask him." Natatawang sabi nito at hinalikan ako sa pisngi. "Bye sweetie."

Naiwan akong nakatulala doon. Kuya Andrei's bringing a real fucking date, at hindi niya man lang ako sinabihan. I'll beat the shit out of him when I see him.

Habang nasa byahe ay agad kong tinawagan si Kuya Andrei. "May gusto ka bang sabihin sakin?" Sabi ko agad pagkasagot niya ng phone.

"Hello, baby." Natatawang sabi nito sa kabilang linya.

"Not funny." Nakasimangot kong sabi kahit na hindi naman ako nito nakikita.

Mas napatawa pa ito sa kabilang linya. Glad he's enjoying this, kasi pag nakita ko siya ay hindi na ito makakatawa pang muli. "Okay okay, sinabi na pala nila Daddy sayo. Look, I met this girl, and feeling ko talaga siya na. So dadalhin ko siya sa DC Corp. ball para mameet niyo siya." Sabi niya.

Umiling ako. "You always say that. At anong ending every time? Magyayaya ka uminom kasi broken ka na naman." Pagpapaalala ko dito.

"Baby, sabi nga nila, it's better to have loved and lost, than never to have loved at all." Aniya.

I rolled my eyes heavenwards. "At saan mo naman nabasa yang kalokohan na yan?"

He laughed. "Sa google."

"Kalokohan yan. Better better, my ass. Better kung wag nalang magmahal para walang iiyak, walang masasaktan at walang maiiwan." Irita kong sabi.

Mas dumoble pa ang tawa nito sa kabilang linya. "Better ba yan, o bitter?" Tawang tawa nitong sabi na tila wala ng bukas.

"Better. Daan ka sa resto mamaya, let's have dinner." I said before I dropped the call.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon