Chapter 2 - Three

5.7K 191 7
                                    

#FFYwp
Chapter 2 - Three

"You really should open up a new branch. The people outside are lining up for your food." Bungad ni Kuya Andrei pagpasok niya ng kitchen. He was holding a bouquet of white roses. "How's this for an apology?" Anito.

Tinignan ko ang relos ko. 8:45 PM. He's just right on time. Ganitong oras naman siya palagi dumadaan dahil workaholic din ang isang ito.

"Hi, Sir Andrei." Bati sakanya ng mga empleyado ko.

He smiled back at nakita ko kung paano kiligin ang mga babae kong empleyado. "Hi, guys. Kamusta? Daming customers sa labas ah." Anito.

Napailing ako. I really have to admit na malakas ang appeal ng kapatid ko na 'to. Nakuha niya ang kagwapuhan ng Daddy kaya naman ngiti palang nito ay marami ng nahuhulog dito.

Ang hindi ko maintindihan ay paano nagagawa ng mga naging ex-girlfriend niya na iwan siya, or ipagpalit siya, or saktan siya. I mean, gwapo, matalino, and not to mention, his heart as pure as gold.

Well, wala din naman akong nagustuhan sa mga naging ex niya. Lahat ng mga naging ex ni Kuya Andrei, isang tingin ko palang, alam ko ng hindi sila matitino.

Girl's instinct, I guess.

"What do you want to eat?" Tanong ko dito. Sinuot ko ang apron ko dahil alam kong kakailanganin ko na ito.

Inabot niya sakin ang bouquet at hinalikan ako nito sa pisngi. "Ikaw bahala. Alam mo namang lahat ng luto mo, paborito ko." Sabi niya.

I shrugged. "I know. Wait here, ilalagay ko lang to sa office ko." Sabi ko at bahagyang inangat ang bouquet na dala niya.

I placed the bouquet on my desk before I went back to the kitchen. I have been in the kitchen all afternoon dahil sobrang dami ngang tao, and I want to oversee everything to make sure na maayos ang service at ang quality ng food na sineserve namin.

"Ano bang gusto mong iluto ko?" I asked him nang makabalik ako sa kinaroroonan nito.

Tuwing yayayain ko siya magdinner dito ay gusto niya na ako mismo ang magluto for him. Anito ay hindi ko naman siya palagi naipagluluto katulad nila Mommy kaya dapat daw pag dadalawin niya ako sa resto ko ay ako mismo ang magluluto ng kakainin namin.

Hindi na ako nakipagtalo. He's right. Sila mommy ay halos araw araw ko naipagluluto. Pero si Kuya Andrei, he's living alone in his condominium. Kaya tuwing may pagkakataon, gusto ko din siyang ipagluto.

"Pasta?" I asked him. Parang nagcrave ako bigla sa pasta.

He nodded. "Pasta it is." Aniya.

Nagumpisa na akong maghiwa ng mga ingredients para sa lulutuin kong pasta para sa aming dalawa. He was beside me blabbering about his new found girl. "I swear, you'll love her." I rolled my eyes. For the hundredth time.

"Alam mo, lagi mo sinasabi yan tuwing may ipapakilala ka sakin, you'll love her bla bla bla. Pero wala pa naman akong nagustuhan sa mga ex mo." Kibit balikat kong sabi.

Ngumuso ito ng mapagtanto niyang tama ako. "You're right. But promise, baby, this girl, she's different." He said, obviously so smitten about this girl.

Isinalang ko ang pan kung saan ako magluluto. "Let's see about that. But I still hate you. Alam mo namang ikaw ang date ko palagi, eh." Sabi ko nalang at nagumpisa na ako sa dish na gagawin ko.

I really have to admit that I love it here in the kitchen. Masaya ako tuwing nagluluto ako. Masaya ako tuwing nasasarapan ang mga nakakakain ng mga pagkain na hinahanda ko. This has been my passion for as long as I can remember.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon