Chapter 36 - Together

1.2K 74 17
                                    

#FFYwp
Chapter 36 - Together

"Mam Addy, hindi pa po kayo uuwi?" Tanong ni Vina sa akin.

Napatingin ako sa phone ko. It's already 11PM. Ang usapan namin ni Tobi ay magdidinner kami ngayon ng 9PM. Kaya naman 8:30 palang ay nagready na ako ng pagkain namin.

Pero dalawang oras na ang lumipas ay hindi parin ito dumadating. I tried calling him during the first hour pero ang sagot lang nito ay mauna na ako kumain dahil marami pa siyang kailangan asikasuhin sa office.

Naiintindihan ko naman. Isang buwan din siyang hindi nakapasok sa kumpanya nila. Syempre ay marami talaga itong na-pending na trabaho.

But seeing the food I prepared for us, here, cold. I just—parang wala akong gana kumain. So I guess I'll just wait here for Tobi para sabay parin kami kumain at umuwi.

I smiled at Vina. Kaming dalawa nalang ang natira dito dahil nakauwi na ang ibang empleyado ko.

"Hinihintay ko pa si Tobi. Mauna ka na. Ingat!" I told her.

Tumango ito at ngumiti. "Ingat Mam." Aniya bago ito umalis.

Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Tobi pero hindi ito sumasagot. I tried calling him a couple more times pero wala talaga kaya minabuti ko nalang na tawagan si Manong.

"Hello, good evening po. Nasa Stratford Inc. pa po kayo?" Tanong ko dito pagsagot nito ng tawag.

"Opo mam." Aniya.

I pursed my lips. "Ah ganon po ba. Ipagbabalot ko po kayo ng pagkain para po makakain kayo mamaya bago po kayo umuwi. Anong oras narin po, eh." Sabi ko dito.

Mabait talaga si Manong Kanor. Noon pa man noong si Tito Ashton pa ang pinagmamaneho nito ay ramdam na ramdam ko na mabait at masipag siyang tao. I just want to repay his efforts a little.

Bahagya itong tumawa sa kabilang linya. "Nako mam, hindi na po. Dinalhan po ako ng pagkain ng secretary ni Sir Tobi. Nagpabili daw po kasi si Sir ng dinner niya kaya pinasabay na po yung sa akin." Sabi nito.

It's funny how you can actually feel the pain in your chest from hearing something that breaks your heart.

So nagdinner na pala siya. I mean—right, of course he must be hungry sa dami ng ginagawa niya kaya kailangan na niya magpabili at kumain ng dinner.

I understand.

Sana lang ay sinabi niya sa akin ng maaga. But I understand, he must be too busy.

I sighed. "Sige po, salamat." Sabi ko bago ibaba ang tawag.

Pinalis ko ang luhang kumawala sa mata ko bago ko bitbitin ang dalawang plato pabalik sa kitchen.

Nilagay ko ito sa tupperware at binalot sa takeout bag. Baka magutom si Tobi mamaya pag-uwi kaya iuuwi ko nalang itong hinanda kong dinner namin for midnight snack, perhaps.

Habang hinihintay ko si Tobi ay nagpasya nalang muna akong magtrabaho narin. Tutal ay wala naman akong ibang gagawin at para narin makahabol ako sa trabahong natambak sa akin sa halos isang buwan kong pagkawala.

I reviewed our sales over the past month that I was not able to come here. Mababa ito, kumpara sa numbers namin last month, but it's not bad. There's also been a few bad reviews circulating online mula ng hindi ko mamonitor ang resto tulad ng long wait time and food serving, but it's nothing we can't handle.

This is one of the reasons why I closely monitor my restaurant. Dahil gusto ko na maayos ang service at ang quality ng food na sineserve namin, all the freaking time.

Nang matapos ako sa ginagawa ko ay tsaka ko lang napansin ang oras.

12:30AM

Kinuha ko ang phone ko at nakitang wala paring kahit text o tawag mula kay Tobi. Tinry ko itong tawagan at matapos ang apat ring ay tsaka ito sumagot.

"Hey, nasa office ka pa?" I asked him.

Bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Pauwi na po, girlfriend ko." Aniya.

Tumango ako kasabay ng sunod sunod na pagbagsak ng luha ko. "Ah ganun ba, sige, uuwi narin ako. Ingat kayo." Mahinang sabi ko. And I swear it took everything in me not sob.

"Shit, sorry I forgot. Nasa resto ka pa? Gusto mo daanan ka namin?" Ani Tobi na mukhang ngayon lang naalala na ang usapan namin ay dito na siya ihahatid ni Manong para makapagdinner kami at kami nalang ang sabay na uuwi.

Akala ko ay nakalimutan niya lang sabihin na nagdinner na pala siya, iyon pala ay nakalimutan niya rin na hinihintay ko siya pauwi.

Umiling ako kahit hindi naman ako nito nakikita. "No need. I'll see you later. I love you." Nabasag ang boses ko.

Please.

"Alright. Ingat ka. See you." Aniya bago ibaba ang tawag.

Mas lumakas ang pagragasa ng luha ko.

Wala paring sagot.

Kinalma ko ang sarili ko bago ako umalis ng resto. Ayokong ipakita kay Tobi na nasasaktan ako. He has too much on his plate already, ayoko na dumagdag.

Pagdating ko sa bahay ay tahimik na. "Boyfriend ko?" Pagtawag ko dito pero walang sumagot.

I tried roaming around pero wala na talaga ito sa baba. Pag-akyat ko sa kwarto ay agad ko siyang namataan na mahimbing na natutulog sa kama.

Namasa ang mata ko pero pinilit kong wag umiyak.

Shit naman, Addy. Tumigil ka na ng kakaiyak, please. Quota ka na ngayong araw, ano ba?

I shooed my thoughts away.

Lumapit ako kay Tobi at inayos ang kumot nito. I leaned in and kissed his head. "I love you." I whispered.

I love you, so much. And I promise, I'll hang in there. Iintindihin ko lahat. Kakayanin ko lahat.

Because we're in this together.

Bumaba ako ulit para ilagay sa ref ang inuwi kong dinner dapat namin. Napabuntong hininga ako, kaninang ala una ng tanghali pa ang huling kain ko pero tila lumipas na ang gutom ko.

Right, we'll just have this for breakfast instead.

But guess I was wrong again.

Binasa ko ang text ni Tobi na siyang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko.

Fr: Boyfriend Ko
Sorry I had to leave early, girlfriend ko. Need to prepare for our early meeting. Ingat ka today.

You can do this, Addy. You can do this.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon