Chapter 5 - Family

5.4K 277 39
                                    

#FFYwp
Chapter 5 - Family

Nilingon ako ni Tobi nang makapasok na sa restroom ang Tita niya at ang batang apo daw nito. "I'm sorry for that." He said.

"It's fine." Tumango ako. "But ipapakilala mo ba talaga ako? Ibang level iyon, Tobi. Pinakilala kita sa friends ko. Na hindi ko naman laging nakikita. Ang sa iyo, pamilya. That's a different level." Mahabang sabi ko.

Totoo naman. Iba na iyon pag pinakilala niya ako sa family niya. Sure, I can tell my friends na boyfriend ko siya. Pero ibang usapan na pag pamilya.

He sighed. "I'm afraid I have to. Nakita na tayo ni Tita na magkaholding hands. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi tayo, or else she'll go berserk. Sasabihin nun, kung hindi kita girlfriend, bakit ko hawak kamay mo in public." He shook his head in disappointment.

Napabuntong hininga din ako. He has a point. Mukhang mataray nga ang Tita Chloe ni Tobi. "So, paano?" Tanong ko dito.

He intertwined our hands. "Well, I guess kailangan na natin pandindigan 'to. Tonight, we're a couple, right?" Sinabi niya ang sinabi ko sakanya kanina.

And tonight, we're a couple, okay. I'm your girlfriend, and you're my boyfriend.

Tumango nalang ako. He's right. Kailangan nalang namin ito panindigan. Besides we're in this mess because of me. The least I could do is cooperate. Nakicooperate siya sa akin sa harap ng mga kaibigan ko. Now, I'll return the favor.

Nang nasa harap na kami ng pinto ng VIP room ay biglang kumabog ang dibdib ko. This isn't the first time na ipapakilala ako sa pamilya as a girlfriend. Pinakilala na ako ni Arnold before sa family niya. And they were all nice to me. Mababait sila.

But Tobi's family—I don't know if magiging mabait ba sila sa akin. Iyong Tita nga nito kanina tinignan ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko jinudge niya na ang buo kong pagkatao sa pagtingin niya lamang sa suot ko.

What if ganoon lahat ng miyembro ng pamilya ni Tobi? Paano kung lahat sila nangmamata. I mean, not that I'm ashamed of who I am or anything.

Hindi man kami kasing yaman nila, pero may maipagmamalaki din naman kami. My parents own an IT Company earning millions. Ako naman ay may sarili naring negosyo sa edad na 23.

Bahagyang tumawa si Tobi. "Hey, wag ka matakot. Hindi katulad ni Tita Chloe si Daddy. And Tita Chloe's nice, believe it or not. Ganoon lang yun sa umpisa pag hindi ka pa niya kilala." Sabi nito sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Alright, let's do this." Sabi ko dito.

Pagpasok namin ay biglang nagtinginan samin ang laman ng malaking round table. There were 5 people in that table.

Dalawang lalaki na tansta ko ay nasa 60, o higit na ang edad. Magkatabi ang dalawang matandang lalaki, one is wearing a blue shirt and the other one is wearing a black polo.

Napatingin ako sa lalaking nakaitim, I assume this is Ashton may hawig ito sa litratong nakita ko sa internet. But that picture was taken atleast 10 years ago, so I'm not sure.

The one wearing blue, iyon ang hindi pamilyar sa akin.

There's a couple, around 40's siguro. At isang lalaki na tansta ko ay anak ng mag-asawang katabi nito.

"Dad." Pagbati ni Tobi. Agad namang tumayo ang lalaking naka-itim. So, I am right. Siya nga yung Ashton Stratford na nabasa ko sa internet.

Sinalubong niya ng yakap ang Daddy niya bago ito bumaling sakin. He grabbed my waist. "This is Addy—my girlfriend." Nakangiting sabi nito. "Babe, this is my Dad, Ashton Stratford." Aniya sa akin.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon