Chapter 19 - First

5.2K 327 80
                                    

#FFYwp
Chapter 19 - First

Bumuntong hininga ako at bumalikwas ulit mula sa pagkakahiga ko.

Damn it!

Isang oras ko na siguro sinusubukang matulog pero hindi talaga ako makatulog dahil ginugulo ni Arnold ang utak ko.

I mean, what's his deal? Ang tagal na naming hiwalay. Then one day he showed up sa reunion namin and he's been acting weird since then—talking about our past, saying I miss yous, and acting all jealous.

"Arnold?" Napalingon ako kay Tobi nang magsalita ito.

"Nagising ba kita?" I asked him. Magkatabi kasi kami sa kama, at kahit pa naglagay ako ng unan sa gitna namin, ay mukhang nagising ko parin ito sa pagbali-balikwas ko.

He slightly shook his head. "Hindi din ako makatulog." Sagot nito sa tanong ko. "You're thinking about Arnold?" Tanong muli nito nang hindi ko sagutin ang sinabi nito kanina.

I let out a sigh before I nodded. "I just don't get him." I told him truthfully.

Ang totoo ay pati ang mga kaibigan namin hindi siya maintindihan. Kanina ay nag-usap usap kami nila Rachel at Ynah dahil pati sila ay hindi daw mawari kung ano ang trip ni Arnold sa buhay.

"Pride, siguro. I don't know, maybe it's his ego talking. Baka natatapakan ang pagkalalaki niya na may pinakilala ka ng boyfriend, finally, after all these years." Iyon ang sagot ni Rachel sa akin kanina.

Napailing ako. "Nagkagirlfriend ka na ba?" I asked Tobi out of nowhere.

May sumilay na ngiti sa labi nito. "Bakit mo natanong?" May halong kapilyuhan ang tono nito.

I shook my head. "Wala. Tatanungin ko lang sana, kung may ex ka, tapos let's say yung ex mo nagkaroon ng bagong boyfriend, matatapakan ba ego mo?" I asked him, totally ignoring his playful smile.

Tumawa ito at umiling. "Akala ko pa naman nacucurious ka na sa past ko kasi—"

I immediately cut him off. "Kasi? Nafafall na ko?" Nakasimangot kong tanong dito, pero naramdaman ko agad ang pag-init ng pisngi ko.

Kinagat nito ang ibabang labi nito para magpigil ng ngiti. Damn! "Nafafall ka na nga ba?" Tanong nito.

Mabilis akong umiling. "Tss. Iniiba mo usapan, eh. Ano nga? Siguro marami kang ex kaya di mo masagot-sagot yung tanong ko, noh." Taas kilay kong sabi.

"You're my first ever girlfriend, girlfriend ko. Well, that's if we'll count this." Walang ano-anong sabi nito.

Literal akong napanganga sa sinabi ni Tobi. He said that like it was nothing, but fuck, it's not. "For real? Hindi ka pa talaga nagkagirlfriend, as in wala kahit isa?" Gulat kong tanong.

He nodded. "Bakit parang gulat na gulat ka naman?" Natatawang tanong nito.

I shook my head, not wanting to answer his question. "Pinagtitripan mo lang ako, eh." Hindi parin makapaniwalang sabi ko dito.

Nagulat ako nang biglang ihagis ni Tobi ang unan na inilagay ko sa gitna namin sa kung saan, pero mas nagulat ako ng bigla ako nitong hapitin palapit sakanya.

"Tobi!" Halos pasigaw at patili kong sabi.

He let out a chuckle as he pulled me closer. "Hindi kita pinagtitripan, girlfriend ko. You can check my social media accounts, or you can ask my Dad. Kahit kanino ka magtanong, sasabihin lang din nila sayo na never pa ako nagkagirlfriend. Wala pa, ikaw palang." Mahabang sabi nito.

"Let's say totoo nga. Kaya ka siguro hindi pa nagkagirlfriend kasi hindi mo pinapaabot doon. Tama ako, noh? Paasa ka lang pero pag nafall na yung girl, iiwan mo na or iffriendzone?" Taas kilay ko na sabi nang maalala na paasa nga pala ang isang 'to.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon