Chapter 13 - Scar

5.1K 292 66
                                    

#FFYwp
Chapter 13 - Scar

Tinignan ko ang pagkakalagay namin ng ref sa kitchen ko. Napailing ako. "Parang hindi parin, eh." Sabi ko kay Tobi.

Napabuntong hininga ito. "Addy, okay na yan. Marami pa tayong aayusin." Anito at tinuro ang sala at ang kwarto ko. "Baka di na tayo matapos kakapalit-palit ng pwesto sa frige mo palang." Dagdag pa nito.

Bahagya akong ngumiti. "Please? Last na talaga. Parang mas maganda sa kabilang side, eh." Sabi ko dito.

Ginulo nito ang buhok ko. "Tobi!" I hissed.

He let out a chuckle. "Fine. Isipin mo na muna mabuti kung saan mo talaga ito ippwesto. Naka-limang lipat na tayo, eh. Baka maubos na lakas natin dito palang." Aniya.

Ngayon kasi kami nag-ayos ng condo ko. Kahapon dumating ang furnitures at appliances kaya napagusapan namin na ngayon nalang namin ito aayusin.

Hindi ako pumunta sa restaurant ko ngayon para maaga kaming makapagsimula ni Tobi sa pag-aayos. Hinayaan ko na si Vina mag-asikaso doon ngayon.

Si Tobi naman ay nagsabi na din kay Kuya Troy na liliban muna ito sa trabaho ngayon para daw tulungan ako sa pagaayos ng condo ko.

Alas siete ng umaga nang sunduin ako ni Tobi sa bahay para sabay na kami pumunta dito.

Yes, nakakapunta punta na si Tobi sa bahay namin. Mula noong makasalubong namin sila Mommy two weeks ago sa All Home at ng makasama namin magdinner sa bahay si Tobi ay dumalas ang pagpunta nito sa bahay.

I shrugged my thoughts away. Itinuro ko yung side na paglilipatan namin. "Doon na. Totoo na." Natatawang sabi ko.

Ang totoo ay medyo pagod nadin ako sa kakalipat namin ng refrigerator ko. Naka-limang lipat na kami but I can't seem to make up my mind kung saan ito magandang ilagay.

Paglapag namin ng ref ay napangiti ako. "There you go." Wala sa sariling sabi ko.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kitchen ko. Everything's all good here. Finally!

Umupo si Tobi sa stool chair at narinig ko agad ang pagkalam ng sikmura nito. Natawa kami pareho sa tunog ng tiyan ni Tobi.

"Tara na kumain na muna tayo. Mukhang nagagalit na yung tiyan mo, eh." Natatawang sabi ko.

Tumango ito at tinulungan na akong initin sa microwave ang dala kong mga pagkain. Nagluto na kasi ako kanina sa bahay ng panglunch at dinner namin.

Alam ko kasi na aabutin kami ng buong maghapon dito kakaayos ng mga gamit ko kaya naman nagpasya nalang ako na magluto para sa amin.

Eh, dahil wala pa namang mailuluto dito, ay nagdala nalang ako ng lutong pagkain para iinitin nalang namin.

"Ang bango." Nakangiting sabi ni Tobi habang nakaabang sa pagkain namin na nasa microwave.

Lihim akong napangiti sa inasal nito. Excited kasi ito sa luto ko. For the past month kasi na magkakilala kami ay hindi ko pa ito pinagluto, not even once. Madalas itong mangulit na ipagluto ko siya pero ngayon ko lang siya pinagbigyan sa request niya.

Nang tumunog ang microwave ay mas lumapad pa ang ngiti nito. "Matitikman ko na yung luto mo. Finally!" Halos pasigaw na sabi nito.

"Baliw ka." Natatawang sabi ko at nilapag ang dalawang plato sa lamesa. Nilagyan ko ang mga plato namin ng kutsara at tinidor. "Lagay mo na yan dito." Sabi ko.

Bago kami kumain ay nagsign of the cross muna ako pero napansin ko si Tobi na deretso lang na kumuha ng kanin at ng beef with broccoli na luto ko.

"Hindi ka nagdadasal before kumain?" I asked him.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon